GMA Logo
What's Hot

KC Concepcion, ayaw nang maging single

By Cara Emmeline Garcia
Published March 20, 2020 10:24 AM PHT
Updated March 20, 2020 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit kaya na-trigger si KC Concepcion na magsabing “Ayoko na mag-isa.”

“Dear God, after this pandemic promise ko sa'yo I will seriously consider marriage na. Ayoko na mag-isa.”

Ito ang ipinangako ni KC Concepcion kamakailan sa kanyang Instagram dahil napagtuonan niya ng pansin ang pagiging single ngayong panahon ng krisis.

Kasalukuyan nasa enhanced community quarantine ang buong isla ng Luzon dahil sa pangambang idinulot ng coronavirus pandemic sa Metro Manila.

Kuwento ni KC, kinilig siya nang makita niya ang kanyang kapit bahay na ngumiti at bumati sa kanya mula sa bintana nito.

Aniya, “While cooking today, I saw a neighbor from my window. We smiled and waved at each other, and oh my gosh it made my day.”

Kaya naman napakuwento si KC sa kanyang personal assistant (P.A.) na si Puff at mas lalo niyang naramdaman ang relationship status niya ngayon.

Kasama kasi ni Puff ang kanyang special someone sa gitna ng quarantine kaya hindi ito na-bo-bore.

“Pero itong P.A. ko na 6 days ko nang hindi kasama dahil sa self-quarantine, ito iniinggit pa ako eh!!! Buwisit!” saad ni KC.

Malaki naman ang pasasalamat ng aktres na ligtas ang kanyang P.A. at may kasama ito na mag-aalaga sa panahon ng pandemic.

“Thank you din God na may nahanap si Puff na mag-aalaga sa kanya. Dream ko 'yun for her.”

Pero ang dalangin ni KC sa Panginoon? “Me naman next Lord, ha? Hahahahaha #SanaAll”

☀️ While cooking today, I saw a neighbor from my window. We smiled and waved at each other, and oh my gosh it made my day ☺️ Pero itong P.A. ko na 6 days ko nang hindi kasama dahil sa self-quarantine, ito iniinggit pa ako eh!!! Buwisit 😝 Dear God, after this pandemic promise ko sayo I will seriously consider marriage na. Ayoko na mag isa. And thank you din God na may na hanap si Puff na magaalaga sa kanya. Dream ko yun for her. 😭😋🦋 Me naman next Lord ha? 💕 hahahahaha #SanaAll

A post shared by KC - also, Kristina. (@itskcconcepcion) on

Marami namang fans at friends ni KC ang suportado sa desisiyon nitong ikonsider ang paghahanap ng lovelife.

Ang huling naging boyfriend ni KC ay ang French businessman at filmmaker na si Pierre-Emmanuel Plassart.

Noong Agosto 2018, inanunsyo ni KC ang pagbabalikan nila pagkapos ng limang taon nang una silang maghiwalay.

Ngunit pagsapit ng July 2019 ay inanunsyo ng aktres na siya ay single muli pagkatapos gamitin ang katagang “we single ladies.”

Naging boyfriend din ni KC sina Piolo Pascual, Paulo Avelino, Azkals player Aly Borromeo, director-politician Lino Cayetano, at Rico Blanco.

KC Concepcion addresses rumor about her health

KC Concepcion shares how she deals with #adulting