GMA Logo
What's Hot

King Badger, idinaan sa TikTok video ang pagka-miss kay Jelai Andres

By Cherry Sun
Published March 20, 2020 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Napuno ng kilig at pag-asa si King Badger, o Jon Gutierrez sa totoong buhay, nang makipag-duet si Jelai Andres sa isang TikTok video. Miss na miss na raw kasi ng Ex-Battalion member ang kanyang misis.

Napuno ng kilig at pag-asa si King Badger, o Jon Gutierrez sa totoong buhay, nang makipag-duet si Jelai Andres sa isang TikTok video.

Miss na miss na raw kasi ng Ex-Battalion member ang kanyang misis.

Sa kanilang pinagsamang TikTok video, bumibili kunwari ng soft drink si King Badger.

Tanong ni Jelai sa kanya, “Mismo?”

Napahugot naman si King Badger sa pagsagot. Aniya, “Opo, miss na miss ko.”

Ibinahagi rin ng Ex Battalion member ang kanyang kilig nang mag-post sa Instagram.

Sambit niya, "Wow nang dahil sa mga tags niyo ayun dinuet nga ni crush yung tiktok ko! Salamat! Waah!"

Panoorin:

Wow nang dahil sa mga tags nyo ayun dinuet nga ni crush yung tiktok ko! Salamat! 😍❤️ Waah! Kuya Ong Bak dumihan ang bahay maglilinis ako! Ilabas ang lahat ng labada pati sa kapitbahay lalabhan ko. Lagyan ng purgas ang aso kukutuhan ko! 😂 #jolai

A post shared by Jon Gutierrez (@easymoneybadger) on

Nagkalamat ang buhay mag-asawa nina King Badger at Jelai ngunit ang kanilang tambalang #JoLai ay muling mabubuo para sa upcoming rom-com series na Owe My Love.

TikTok video ng #JoLai couple na sina King Badger at Jelai Andres, may mahigit 1M views na

Ex Battalion member King Badger at Jelai Andres, balik-tambalan para sa Owe My Love