GMA Logo Bianca Yao Alden Richards
What's Hot

Gamer being linked to Alden Richards denies dating rumors

By Cara Emmeline Garcia
Published April 13, 2020 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Yao Alden Richards


Bianca Yao on dating rumors with Alden Richards: “'Yung tao mabait lang talaga and gusto lang niya magpasaya ng ibang tao.”

Itinanggi ni Bianca Yao, isang popular gamer ng e-Sports community sa Pilipinas, na may namamagitan sa kanila ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Kilala si Bianca bilang isang popular streamer sa Facebook na naglalaro ng Defense of the Ancients 2 (DOTA), isang popular online game na nilalaro rin ni Alden.

Na-link ang dalawa pagkatapos bigyan ng Kapuso actor si Bianca ng stars bilang suporta sa mga gamer tulad niya habang nagla-live stream. Ang stars ay isang Facebook currency kung saan may equivalent monetary value ito sa totoong buhay.

Kaya naman nahuli si Bianca na kinikilig habang pinasasalamatan ang aktor sa stream nito.

Aniya, “Wala na, nawala na ako sa laro. Hi Alden, thank you for the stars.”

Nagawa rin niyang asarin si Alden nang sabihin niyang, “Sige na nga 'di na kita bubugbugin, aalagaan na lang kita.”

Nang sumunod na araw, nilinaw ni Bianca sa isa na namang live stream na huwag bigyang kahulugan ang pagbibigay ni Alden sa kanya ng stars habang naglalaro.

Aniya, “Gusto ko lang linawin na walang nagbibigay ng malisya dito. Katuwaan lang naman ito.

“Gusto ko lang linawin ulit na hindi naman ganun. Kagaya nung sinabi ko dati, 'yung tao mabait lang talaga and gusto lang niya magpasaya ng ibang tao.

“Lagi kong sinasabi na hindi lang ako 'yung binibigyan niya ng stars. Hindi lang ako 'yung binibigyan niya. Kaya 'wag niyo pong bigyan ng malisya lahat ng bagay na ginagawa niya.”

Dagdag pa ng popular Facebook streamer, naiintindihan niya ang concern ng mga tagahanga ni Alden dahil siya rin mismo ay isang fan. ““Lalo na sa fans niya, naiintindihan ko naman yung concern n'yo.

“Minsan may blind spot lang tayo bilang fan.

“Dapat nirerespeto rin natin kung anong gustong gawin ng idol natin without kahit anong panghuhusga o malisya. Bigyan na lang natin sila ng freedom na gawin kung anong gustong gawin nila. Kasi ang hirap para sa kanila na kahit anong galaw nila binibigyan natin ng kahulugan.”

Pabirong pagtapos nito, “At saka, ngayon ko lang sasabihin 'to! Wala pa nga sa getting to know part e! Gusto agad? Wala 'yun!”

Alden Richards reopens fastfood branch in Binan, Laguna

Alden Richards makes Top 10 of “Ultimate Asian Heartthrob of 2020” list