GMA Logo arny ross delays wedding to later this year
What's Hot

EXCLUSIVE: Wedding preparation ni Arny Ross, natigil dahil sa COVID-19

Published April 23, 2020 2:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

arny ross delays wedding to later this year


Ayon kay Arny Ross, mabuti na lang at napagdesisyunan nila ng fiance niyang si Franklin Banogon na iurong ang kanilang kasal.

Bukod sa mga negosyo, naapektuhan din ang preparation ni Arny Ross para sa wedding nila ng kanyang long-time boyfriend na si Franklin Banogon.

Sa panayam ng GMANetwork.com, sinabi ni Arny na buti na lang nakapag-decide na sila ni Franklin na end of 2020 na gawin ang kanilang kasal.

"Buti nga sinet namin siya ng December na, nung January 2020 nag-decided kami ng December na. Kasi nagka-ash fall, di ba?"

Pero kinailangan daw nilang kanselahin ang prenup shoot, na gagawin san nila ngayong buwan, nang ipatupad na ang enhanced community quarantine para pigilan ang pagkalat ng COVID-19. link: www.gmanetwork.com/covid19

"So, sabi namin perfect na 'yung December, 'tapos ang na-postpone lang is dapat tapos na 'yung prenup namin ngayong April.

"Kaso because of this virus kailangan i-move. I ask the photographer kung kelan puwede or possible, feeling niya daw mga July na yan."

Hindi rin natuloy ang meeting nila with the designer na gagawa ng wedding gown ni Arny.

"So far, okay naman ako kahit malate na 'yung prenup, 'yung planning medyo nai-stop siya kasi like dapat nasa wedding gown na sana kami parang ime-meet na namin 'yung designer, medyo hindi natuloy."

Na-engage si Arny Ross kay Franklin Banogon noong November 2019 at mahigit sa 11 taon na ang kanilang relasyon.

EXCLUSIVE: Arny Ross at fiance, magbibigay ng tulong sa mga empleyado kahit apektado ang negosyo ng ECQ

EXCLUSIVE: Arny Ross anxious for her sister, a frontliner in Lucena City