GMA Logo Chynna Ortaleza and Kean Cipriano perform Sulyap
What's Hot

Chynna Ortaleza at Kean Cipriano, ibinahagi ang kanilang original song na "Sulyap"

By Maine Aquino
Published May 26, 2020 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Chynna Ortaleza and Kean Cipriano perform Sulyap


Ayon kay Chynna Ortaleza, nabuo ang kantang "Sulyap" sa kanilang dinner ni Kean Cipriano.

Ibinahagi ni Chynna Ortaleza ang kuwento tungkol sa kanilang original song ni Kean Cipriano na "Sulyap."

Ayon kay Chynna, sa isang dinner ay binanggit umano ni Kean sa kanya ang opening line ng "Sulyap."

"Isang gabi nag-dinner kami ni @markcarpio at @kean Nakapagkwentuhan at habang naglalakad kami binanggit niya sakin ang opening line ng kanta na ito."

Dagdag pa ni Chynna ay nabuo nila ang kantang ito sa dati nilang bahay.

"Nabuo namin ni Kean ang kanta sa sala ng dati naming bahay. Kagabi naman habang nasa sala, sinubukan namin kantahin ulit."

Saad ng Idol sa Kusina star, dati ay napatanong siya kung si Kean na ba ang sagot sa dalangin niya.

"Napatanong kasi talaga ako dati nung nagsisimula nang lumalim ang damdamin ko kay Kean.. Ikaw na kaya sagot sa dalangin ko?"

Pagtatapos ni Chynna, "Siya nga. AMEN! Thank you Lord!"

Panoorin ang kanilang performance ng "Sulyap:"

Isang gabi nag dinner kami ni @markcarpio at @kean ✨ Nakapag kwentuhan at habang naglalakad kami binanggit niya sakin ang opening line ng kanta na ito. Nabuo namin ni Kean ang kanta sa sala ng dati naming bahay. Kagabi naman habang nasa sala sinubukan namin kantahin ulit. Napa tanong kasi talaga ako dati nung nagsisimula ng lumalim ang damdamin ko kay Kean.. Ikaw na kaya sagot sa dalangin ko? Siya nga. 🙏🏻 AMEN! Thank you Lord!

Isang post na ibinahagi ni Chynna Ortaleza Cipriano (@chynsortaleza) noong

Chynna Ortaleza and Kean Cipriano perform original song 'Walk on Water'


Artist Hideout: Chynna Ortaleza-Cipriano's OOTD when going out during quarantine