
Ipinagdiwang ni Kapuso leading lady Carla Abellana ang kanyang 34th birthday kasabay ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, nitong Biyernes, June 12.
At dahil espesyal ang araw na ito, espesyal din ang birthday greeting ng boyfriend niyang si Kapuso actor Tom Rodriguez para sa kanya.
Hindi lang sweet at heartfelt message ang extra dahil gumawa rin ng artwork si Tom para sa kanya bilang pagbati.
Aniya, “At dahil ngayon ay Araw ng Kalayaan, nawa'y maging malaya kang kamtin ang lahat ng iyong minimithi.
“Minimithi para sa sarili, sa pamilya, at sa nasasakop ng iyong napakalaking puso na handang magmalasakit sa kapwa.
“Nawa ay pagtibayin pa lalo ng Diyos ang iyong pananalig na ngayon pa lang ay 'di magiba-giba,” aniya.
Hiling din ng aktor na sana ay manatiling positibo sa buhay kahit pa sa gitna ng pagsubok si Carla, na kanyang “reyna.”
“Panalangin ko na sana ay manatiling bukal ang agos ng kasiyahan at pagkakuntento sa buhay mo. Na kahit may madilim na ulap na dumadapo sa buong mundo at sa katauhan ng ilan, ay manatili ang liwanag ng diwa mo.
“Mahal na mahal kita. At habang buhay kong sisikapin na suportahan ang isang anghel na kagaya mo. Maligayang kaarawan, reyna ko,” sabi pa ni Tom.
Carla Abellana pulls a prank on boyfriend Tom Rodriguez
Dumagsa rin ang birthday greetings ng fans nilang dalawa para sa aktres.
Happy birthday, Carla!