Showbiz News

Bakit nalito si Dingdong Dantes sa kanyang ginawang photo shoot ni Marian Rivera?

By Maine Aquino

Inamin ni Dingdong Dantes na siya ay nalito sa isang photo shoot na kanyang ginawa kamakailan lang.

Kuwento ng Kapuso Primetime King, ang photo shoot na ito ay para sa business ni Marian Rivera na Flora Vida By Marian.

"I photographed @floravidabymarian's new collection around the same time last week."


Saad ni Dingdong, siya ay nalito sa kanyang subject. Ang asawa niya ba na si Marian o ang mga bulaklak ng Flora Vida o bida?

"Nalito ako sa tunay na subject-- yung bulaklak ba, o yung may hawak ng bulaklak? "

Marami naman ang nagpahayag ng kilig sa post ni Dingdong.

Saad ng mga netizen, parehong maganda si Marian at ang mga bulaklak.

Netizens react on Dingdong Dantes's post


Ang photo shoot na ito ay para sa new collection ng Flora Vida.

Marian Rivera teases new collection of floral business