What's Hot

Sofia Pablo reveals real score between her and Allen Ansay

By Dianara Alegre
Published June 25, 2020 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

sofia pablo and allen ansay


“Siyempre, kung tumagal-tagal…,” pahayag ni Sofia Pablo tungkol sa tunay na relasyon kay Allen Ansay

Nilinaw ni Prima Donnas actress Sofia Pablo ang tunay na estado ng relasyon nila ng co-star niyang si Allen Ansay, nitong Miyerkules, June 24.

Dahil sa kanilang mga patok at nakakakilig na mga online paandar at vlog sa kanilang YouTube channel, marami ang nagtatanong kung higit na ba sa magkaibigan ang relasyon nilang dalawa.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, inamin ni Sofia kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ni Allen.

“Hindi po talaga serious. Ano lang…syempre, bata pa, 14 and 16, so hindi pa dapat.

"I mean, siyempre, kung tumagal-tagal matanda na kami tapos magkasundo pa rin kami, siyempre possible naman 'yun. Pero for now, maganda na bestfriends muna kami,” lahad niya.

Allen Ansay pranks Sofia Pablo, 'Gusto ko maging tayo na'

Sofia Pablo at Allen Ansay, nag-away dahil sa 'Jojowain o Totropahin' challenge?

A post shared by Sofia Pablo (@sofiapablo) on

Samantala, ibinahagi naman nina Sofia at Allen, o #TeamJolly sa kanilang fans, ang kanilang nararamdaman sa mainit na pagtangkilik ng publiko sa kanilang mga vlogs, na nakakatanggap ng milyun-milyong views.

“Siyempre po, nakaka-proud kasi at a young age, marami na kaming napapasaya and hindi namin sasayangin 'yung suporta nila.

"Palagi naming sila papasayahin kahit through online muna kasi naka-quarantine nga tayo. Vlog vlog muna tayo,” ani Sofia.

Ayon kay Allen, natural daw kasi ang kanilang samahan kaya madali para sa kanila ang gumawa ng vlogs.

“Sobrang saya talaga. Lalo na 'yung nagba-vlog kami. Parang natural lang, parang bonding lang,” aniya.

Allen Ansay admits having crush on Sofia Pablo even before joining 'StarStruck'

Kamakailan ay nakatanggap na ng Silver Play Button ang kanilang YouTube channel na AlFia, na mayroon nang mahigit 100,000 subscribers sa loob lamang ng dalawang buwan matapos nila itong ilunsad.

Sofia Pablo, Allen Ansay announce giveaway to celebrate AlFia channel's 100k subs

A post shared by Allen Ansay (@itsmeallenansay) on