What's Hot

Golden Cañedo, 'love at first sight' ang nangyari sa kanila ng kanyang non-showbiz BF

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 29, 2020 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Golden Canedo and Martin Raval


At 18 years old, first time ma-in love ni Golden Cañedo.

Masayang ikinuwento ni Golden Cañedo na nagkaroon sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Martin Raval ng 'love at first sight' moment.

Sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ikinuwento ni Golden kung paano sila nagkaroon ng chance encounter.

“Love at first sight din po 'yung nangyari. Like, na parang chance encounter 'yung nangyari sa amin,” kuwento ni Golden.

“Nagkita kami and then, doon lang po. Parang unexpected.”

Golden Canedo and Martin Raval

GMA Singer Golden Cañedo with her non-showbiz boyfriend, Martin Raval. / Source: thegoldencanedo (IG)

Aminado naman si Golden na mahirap magkaroon ng long distance relationship, lalo na sa kanilang edad. Nasa Amerika si Martin dahil doon siya nag-aaral.

“Nasa ibang bansa po siya ngayon, nag-aaral,” pag-amin ni Golden.

“Oo [mahirap 'yung LDR] pero nag-one year kami dahil din sa magulang namin.

“Minsan, may hindi pagkakaunawaan pero nandoon po 'yung magulang namin para mag-guide and mag-support sa amin.”

Dagdag ni Golden, malinaw sa kanilang dalawa ni Martin ang kanilang mga plano sa buhay.

Aniya, “Ang iniisip namin na kaming dalawa, mag-build po kami together ng future namin na maganda, na kukunin namin at ire-reach namin 'yung goals and dream namin.”

Golden Canedo and Martin Raval

Nag-celebrate ng kanilang 1st anniversary sina Golden at Martin noong August 14. / Source: thegoldencanedo (IG)

Kamakailan ay naglabas ng bagong single si Golden na may title na 'Walang Hanggang Sandali' sa ilalim ng GMA Music.

Mapapakinggan ang 'Walang Hanggang Sandali' sa Spotify, iTunes, at iba pang digital music streaming platforms.