GMA Logo kris bernal on wish ko lang
What's Hot

Kris Bernal, pinagbawalang mag-taping ng fiancé niyang si Perry Choi?

By Felix Ilaya
Published September 30, 2020 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

kris bernal on wish ko lang


Panoorin dito ang experience ni Kris Bernal sa new normal taping sa set ng 'Wish Ko lang.'

Tampok sa pinakabagong YouTube vlog ni Kris Bernal ang kaniyang experience sa new normal taping para sa kaniyang guest appearance sa Wish Ko Lang.

Sinama niya ang kaniyang subscribers papunta sa kanilang location upang maibahagi ang mga pagbabagong kaniyang nasaksihan sa set na alinsunod sa mga bagong protocols.

Ayon kay Kris, ito raw ang kauna-unahan niyang pagbabalik-trabaho simula nang mag- lockdown.

Dagdag pa ng aktres, tutol daw rito ang non-showbiz fiancé niya na si Perry Choi.

Grateful for the days that I get to see you even if it's just always inside your car, outside my house. 💙 Still, no kisses, no hugs! 😓 Btw, good news! We have reopened HOUSE OF GOGI, @houseofgogiph, which we now turned to GOGI MART! 🛒 Don't worry, we will still continue to satisfy your KBBQ cravings! Just made a few changes by adding more items! 🤤

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal) on

Aniya, "Actually, hindi ako pinayagan ng fiancé ko but then I told him na 'This is my job, e'

"If hindi ko 'to tatanggapin, ano na lang gagawin ko, 'di ba? Ano pang pwede kong gawing trabaho?

"I mean, I have my businesses pero hindi naman siya enough to sustain me, hindi naman ako malaking negosyo, 'di ba?

"I really have to work and this is my passion. Gusto ko magtrabaho but ano na nga lang, talagang extra extra extra careful."

Kontra man si Perry sa simula ay sinuportahan niya pa rin si Kris sa desisyon nito at pinabaunan pa ng mga makakain sa set.

Sa guest appearance ni Kris sa Wish Ko Lang, nakatrabaho niya ang promising young actress na si Barbara Miguel, na nagkuwentong si Kris ang kaniyang inspirasyon kung bakit niya ginustong maging isang artista.

First photo was taken 10 years ago?! What?!😳 After 10 years tatlong beses na po kaming naging mag ina sa role. I told Ate Kris 2 days ago on our #newnormal taping for “Wish ko lang” na isa po sya sa mga dahilan at naging inspiration ko sa pag arte! At totoo po yun, first time kong sumama sa taping ni Mama, kakagaling Davao ko palang nun im not familiar pa sa entertainment world. Dahil si Mama ay isa sa regular chismosang kapitbahay nila AteKris. Bida silang dalawa ni Kuya @ajabrenica sa gma7 serye The Last Prince 2010! Nakita ko po siyang umarte and i said “Ma gusto ko din maging ganyan, Mag artista!” 🥺 It's always a pleasure working with you ate @krisbernal! Such a good actress and a very humble and sweet person. I love you ate Kris!!❤️ Abangan nyo po ang Episode namin for “Wish Ko Lang” next Saturday!!🥰

A post shared by Barbara Miguel (@iambarbaramiguel) on

Panoorin ang vlog ni Kris below kung saan may pasilip rin siya sa ilan sa mga eksenang ginawa para sa Wish Ko Lang:

Pagkatapos ng kanilang shoot, ikinuwento na ni Kris ang kaniyang opinyon pagdating sa new normal taping.

"It was smooth, okay naman, I felt safe. But of course, wala namang pinipili ang virus.

"Ang talagang fear ko lang is every time I really take of my mask and then balik and then tanggal ulit and then balik.

"Siyempre, may mga time na matagal talaga kaming 'di nagsusuot ng mask. So, hindi natin alam, alam n'yo naman, 'di ba?

"Kahit anong ingat mo, kahit anong ingat ng isang tao, sila pa ang tinatamaan so natatakot din talaga ako.

"Alagang-alaga naman kami sa taping ng GMA.

"Kung tatanungin n'yo ko if magte-taping pa ako ulit, baka I'll have second thoughts na, pag-isipan ko na.

"Though I felt safe, dahil ang dami rin naming hinahawakan, wall, mga props na hindi natin alam or whatever.

"Though they really disinfect but of course sa dami ng hinahawakan naming basta basta and then we take off our mask, hindi ko masabi if okay ulit ako magtaping," wika ng aktres.

Kamakailan lang ay nag-expire na ang kontrata ni Kris sa kaniyang original management na GMA Artist Center kaya't kasalukuyan siyang isang freelance artist.

Gayunpaman, willing pa rin naman ang aktres na magtrabaho sa mga shows ng kaniyang home network.