GMA Logo angillyn gorens and buboy villar
What's Hot

Veybillyn Gorens, nagsalita tungkol sa hiwalayan nina Angillyn Gorens at Buboy Villar

By Cherry Sun
Published October 6, 2020 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

angillyn gorens and buboy villar


Dinepensahan ni Veybillyn Gorens sina Angillyn Gorens at Buboy Villar kaugnay sa pagiging magulang nila sa kanilang mga anak sa kabila ng hiwalayan.

Nagsalita si Veybillyn Gorens tungkol sa paghihiwalay nina Angillyn Goren at Buboy Villar.

Si Veybillyn ay nakababatang kapatid ni Angillyn.

@buboyvillar

Nakumpirma kahapon, October 5, na nauwi sa hiwalayan ang dati nang engaged na sina Buboy at Angillyn.

Ayon sa pahayag ni Angillyn, mutual decision daw nila ito ng Kapuso actor. Nagkasundo pa rin silang magiging magulang sa kanilang dalawang anak.

Ang kanilang panganay na si Vlanz Karollyn ay tatlong taong gulang habang ang kanilang bunsong si George Michael ay isang taong gulang pa lamang.

Naghiwalay man sila, dinepensahan ni Vebyillyn ang kanilang naging desisyon.

Isang matapang na mensahe ang kanyang inilabas sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Aniya, “Ipaliwanag niyo sa akin kung paano naging irresponsable ang magulang na naghiwalay?

"Ang pagkakaintindi ko kasi sa irresponsable is hindi kayang magbigay financial at pagmamahal sa anak.

"Hindi sila nagkulang don. Walang konek ang hiwalay sa pagiging irresponsable, may mga bagay na 'di talaga nagwo-work at kailangan natin tanggapin 'yon.

"Oo mahirap sa mga anak nila, pero nahihirapan din sila, hindi naman pwede ipilit yung bagay na di na talaga pwede.

“Mas mahirap sa mga anak nila kung ipipilit ang bagay na di na talaga pwede.

"Ang importante naman siguro open sila at nag uusap sila, walang bitterness or kahit na ano.

"Parehas nilang mahal na mahal anak nila at gagawin lahat para maibigay yung mga pangangailangan nila.”

Nagkakilala sina Buboy at Angillyn sa set ng dating GMA afternoon series na 'The Half Sisters' (2014).

Taong 2016 nang ma-engage sina Buboy at Angillyn.