GMA Logo Jak Roberto and Tony Forteza
What's Hot

Ama ni Barbie Forteza, ano ang reaksyon nang ligawan ni Jak Roberto ang kaniyang anak?

By Felix Ilaya
Published November 25, 2020 12:23 PM PHT
Updated November 25, 2020 3:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto and Tony Forteza


"Papabili ako ng sapatos dito," ika ng ama ni Barbie Forteza na si Tony Forteza nang malaman na nililigawan ni Jak Roberto ang kaniyang anak.

Tampok sa pinakabagong vlog ni Jak Roberto ang bonding moment nila ng kaniyang "future biyenan" na si Tony Forteza.

Dito, napanood ang dalawa na nagkukwentuhan habang kumakain ng kare-kare na ni-request pa ni Daddy Tony na lutuin ni Jak.

Sa kasarapan nang kanilang kwentuhan, tinanong ni Jak si Daddy Tony kung ano ang naging reaksyon nito nang malaman niyang nililigawan ni Jak ang anak niyang si Barbie Forteza.

"'Nung nililigawan ko si Barbie, sabi ko kasi kanina, mas una tayo naging close kasi pagka mga lunch break na sa set, tayo 'yung magkakasabay doon.

"'Nung nalaman mong nanliligaw na ako kay Barbie, Tito, anong pumasok sa isip mo," tanong ni Jak.

"Sabi ko, 'Papabili ako ng sapatos dito,'" biro namang sagot ni Daddy Tony.

Panoorin ang kwentuhan at kulitan nina Jak at Daddy Tony sa video below:

Silipin ang sweetest photos nina Jak at Barbie sa gallery below: