GMA Logo baninay bautista and bont brayn oropel
What's Hot

Baninay Bautista, umiiyak na inamin ang paghihiwalay nila ni Bont Bryan Oropel

By Aedrianne Acar
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated February 4, 2021 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

baninay bautista and bont brayn oropel


Ilanga raw bago ang Valentine's Day, umamin si Baninay Bautista tungkol sa paghihiwalay nila ng kapwa vlogger na si Bont Bryan Oropel, “[D]arating din pala talaga kayo sa point na hindi kayo magkakaintindihan."

Umiiyak na humarap ang YouTube vlogger na si Baninay Bautista sa kanyang mga subscribers para amining hiwalay na siya sa kanyang boyfriend of two years na si Bont Bryan Oropel, na isa ring vlogger.

Sa isang video na in-upload niya noong February 2, bumuhos ang luha ng dating reality show star nang kumpirmahan na wala na sila ni Bont.

Ani Baninay, “Hindi ko alam na darating ako sa point na kailangan gumawa ng ganitong klaseng video.

“Ilang araw na ako umiiyak, ilang araw na ako walang tulog, hindi ako kumakain.

"Hirap na hirap ako, sobrang gulo ng bahay ko, walang nangyayari sa buhay ko,

“Ayokong magpaawa, ilang araw na kasi ako hindi makapag-work nang maayos.

"May mga work ako na kailangan ko tapusin, wala ako na-aachieve kasi ilang araw ko na rin pinag-iisipan 'yung ginawa ko."

Sabay pag-amin ni Baninay, "Wala na kami ni Bont.

“Halos magto-two years na kami. [Ang] haba na ng pinagsamahan namin.

"Siya 'yung lalaki na pangarap ko. Alam mo 'yun, wala akong reklamo sa ugali niya, sobrang bait niya sa akin, sobrang mahal na mahal niya ako.

Kasunod nito, ibinahagi ni Baninay na mayroon silang mga hindi pagkakaintindihan ni Bont na hindi nila maayos.

Paliwanag niya, “Pero darating din pala talaga kayo sa point na hindi kayo magkakaintindihan, na hindi mo alam kung ano'ng nangyaring mali, pero alam mo may mali.

“Alam mong may nagbago, 'di ako alam kung ano'ng point sa relationship namin, pero alam ko na may problema na kami.

“May mga issues kami na maliit na bagay na hindi namin nare-resolba na parang nagkakabalikan na lang kami.”

Kasunid nito, pansamantalang natigil si Baninay sa pagre-record ng vide, at sa sumunod na parte ng vlog niya ay halos three weeks na ang lumipas mula noong una niyang recording.

Dito ibinahagi ng YouTuber na “friends” sila ng ex-boyfriend.

“We're friends, minsan nagkakumustahan kami tungkol sa business,

Dito natigilan si Baninay at muling hindi napigilan ang iyak niya.

Samb niya, “Ang hirap kasi, 'yung dati kong partner sa buhay, 'yung boyfriend ko, 'yung partner in crime ko, ngayon, business partner ko na lang [slightly laughs]”

Ayon kay Baninay, nagdesisyunan niyang ibahagi ang breakup nila sa publiko dahil “open book” na raw ang buhay niya sa mga ito.

“I know, I don't owe you any explanation sa mga napi-feel ko, sa mga pinagdadaanan ko, pero halos lahat kasi alam n'yo na tungkol sa akin.

“Ang dami na rin nagja-judge sa akin, kay Bont, na hindi naman niya deserved.

"Wala naman siyang ginawang masama, wala rin akong ginawang masama.”

“Just to clear things out may mga bagay lang talaga na hindi pa puwede, may mga bagay din na only time will heal.”

Panoorin ang heartbreaking video ni Baninay na may mahigit sa 400,000 views na sa YouTube.

Samantala, narito naman ang ilang personalidad na nagkahilway noong 2020:

COVID-19 experience

Noong Agosto 2020, umamin sina Baninay at Bont na nag-positibo sila sa COVID-19.

Sa magkahiwalay na, malungkot na ibinahagi ng dating magkasintahan ang nangyari sa kanila nang tamaan ng sakit.

Doble din ang pasakit na hinarap ng pamilya ni Bont dahil namatay ang kanyang ama bago pa man ito naipasok sa ospital.

Narito ang ilan pang celebrities na naka-recover mula sa sakit na COVID-19: