
Ibinahagi ni Lolit Solis ang posibilidad na makasama nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera si South Korean superstar Hyun Bin.
Sa latest Instagram post ng veteran columnist at talent manager, ibinahagi niya ang picture nina Marian at Dingdong kasama ang life-size standee ng Crash Landing on You actor.
Source: marianrivera (Instagram), gmanetwork.com
Post niya, “Naku Salve ha, kurutin ko si Marian Rivera. Kung kay Hyun Bin lang naman mas pogi si Dingdong Dantes noh, saka huwag na siya mag ilusyon kay Hyun Bin noh, dyowa na niya si Seri iyon partner niya.
Dagdag pa ng kolumnista, “sure” raw siyang kapag nagkaroon ng dinner si Hyun Bin, courtesy of Ben Chan na CEO at owner ng isang local apparel brand, ay invited ang Kapuso royals.
Si Hyun Bin ang bagong endorser ng nasabing lifestyle brand.
Naging endorser din nito ang mag-asawang sina Dingdong at Marian.
“At sure ako na pag binigyan ni Ben Chan ng Bench ng dinner si Hyun Bin invited sila ni Dingdong, at duon niya makita na hoy, mas pogi si Dingdong noh, at mas maganda si Marian kay Seri noh! Hah hah.
“Pero in fairness, marami fans si Hyun Bin ha, excited sa pagpunta niya dito na na cancel lang dahil sa pandemic.
"Naku, baka sabay na sila dumating si Hyun Bin at Ji Chang Wook na pareho model endorser ni Ben Chan, kaya magkita sila Marian at Jinkee Pacquiao na faney naman ni Ji Chang Wook,” aniya.
Binanggit din ni Lolit sa naturang ang isa sa mga iniidolo niyang Korean actor, si Jo In-sung, na bumida sa K-dramas na What Happened in Bali; That Winter, the Wind Blows; It's Okay, That's Love; The Great Battle, at iba pa.
“Naku, kahit Korean addict ako mas guwapo at maganda parin mga stars natin para sa akin.
"Kaya lang naa addict ako sa ganda ng story telling nila at visuals, saka in fairness , laban din sa acting, pero physically, may laban mga stars natin noh!
“Kahit pa nga magalit ang dalawang Mrs Lee na sila Rose at Vinia, mas maraming pogi kesa kay Lee Seung-gi noh! Hah hah, pero wala tatalo kay Jo InSung!” sabi pa niya.
Samantala, isa lamang si Marian sa local celebrities na “na-in love” kay Hyun Bin o sa karakter nitong si Captain Ri sa hit series na Crash Landing on You (CLOY), katambal ang aktres at ngayon ay girlfriend niya nang si Son Ye-jin na gumanap bilang si Yoon Se-ri.
Kabilang na listahan sina Heart Evangelista, Yasmien Kurdi, Shaira Diaz, Isabel Oli-Prats, Anne Curtis, Sharon Cuneta, at marami pang iba.
Bago mag-debut bilang si Captain Ri sa CLOY, narito ang ilan pa sa mga role na ginampanan ni Hyun sa serye at pelikula: