GMA Logo Carla Abellana and Tom Rodriguez
What's Hot

Tom Rodriguez, idinisenyo ang eternity diamond engagement ring ni Carla Abellana

By Jansen Ramos
Published March 23, 2021 10:01 AM PHT
Updated March 24, 2021 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana and Tom Rodriguez


Ayon sa ulat ng '24 Oras,' ipinagdarasal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez na maging maayos na ang sitwasyon para matuloy ang kasal nila ngayong taon.

Ginulat nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang marami nang i-anunsyo nila sa kani-kanilang Instagram accounts noong Linggo, March 21, na engaged na sila.

Pero ang totoo nito, nangyari ang proposal noong October 18, 2020 sa bahay ng ina ni Carla na si Aurea Reyes, dating commercial model-actress.

Ayon sa panayam ni Nelson Canlas sa TomCar para sa 24 Oras, minabuti raw ng Kapuso couple na itago muna ito dahil naging sensitive sila para sa maraming tao na nakararanas ng lungkot at hirap dahil sa COVID-19 pandemic.

Kuwento ni Carla, inakala niyang usual family dinner lang noon ang pagbisita nila sa bahay ng kanyang ina kaya naman nasorpresa siya nang bigla na lang lumuhod si Tom pagpasok nila sa bahay at naglabas ng singsing.

Ika ni Tom, "One day I woke up, I never would have thought in a million years I would propose to her in a pandemic, of all times. I realized one day I just woke up and the sun was shining on her."

Ang engagement ring ay isang malaking diamond na napalilibutan pa ng 12 eternity diamonds na isinunod sa birthday ni Carla na June 12. Espesyal ang singsing dahil mismong si Tom ang nag-aral at gumawa nito.

Bahagi ng aktor, "We weighed the gold, the metal part of it, melted it hanggang sa ma-align. I shaped it into a ring form hanggang sa sizing it, polishing it. So it's quite an experience."

Six and a half years nang magkasintahan sina Tom at Carla.

Sa 2013 GMA series na My Husband's Lover nagkakilala ang dalawa pero sa mga sumunod na proyekto pa lang sila na-in love sa isa't isa.

Pagbabalik-tanaw ni Tom, "I proposed to her so many times on-screen. A part of me questioned if this was gonna feel different, if it will just like the other times pero iba pa din pala."

Dugtong pa ni Carla, hindi pang acting ang kanyang iyak nang hingin ni Tom ang kanyang kamay.

Sabi niya, "Magiging emosyonal ka pala talaga, hindi mo mapipigilan. You wouldn't say yes naman to the person kung meron akong hesitation or may mga doubts ka. He was really raised so well by his parents."

Ipinagdarasal nina Carla at Tom na maging maayos na ang sitwasyon para matuloy ang kasal nila ngayong taon. Isang classic style wedding sa simbahan ang kanilang pinaplano.

Samantala, balikan ang love story nina Carla at Tom dito: