What's Hot

Winwyn Marquez says she's 'really, really happy' with her boyfriend

By Dianara Alegre
Published March 23, 2021 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam defers DPWH budget talks, proceeds with other agencies
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Winwyn Marquez


Nais umano ni Winwyn Marquez na manatiling pribado ang relasyon nila ng kanyang bagong boyfriend.

In a relationship na si Owe My Love actress Winwyn Marquez pero ayaw pa nitong pangalanan ang lalaking kasalukuyang nagpapatibok ng kanyang puso.

Nang makapanayam ng 24 Oras, ibinahagi ng actress-beauty queen na pribadong tao raw ang boyfriend niya kaya hangga't maaari ay ayaw niyang isapubliko ang relasyon nila.

Winwyn Marquez

Source: teresitassen (Instagram)

“I'm in a relationship right now pero he's a very private person. Siguro this time mas gusto ko lie low lang talaga. Siguro soon malalaman n'yo na lang but I'm really, really happy right now,” aniya.

Matatandaang ipinagmalaki ni Winwyn sa Twitter ang kanyang new boyfriend sa pagiging supportive nito sa kanyang interest, ang pagiging fan ng K-pop boy group na BTS.

Samantala, bibida ang versatile actress sa upcoming suspense-thriller film na Nelia, at ito ang first title role niya.

“Hindi ako sanay na sabihin ako for something. Sobrang kabado na hindi ko alam kung ano 'yung mararamdaman ko,” pag-amin niya.

Gayunman, puspusan na rin ang paghahanda ni Winwyn para sa pelikula.

“Galing po ako ng 'Owe My Love,' so I only have a week to actually prepare for the role kasi nga kakalabas ko lang lock-in. Siyempre I had to stick to my character dun and comedy rin,” sabi pa niya.

Gaganap si Winwyn bilang isang doktor na may multiple personalities sa Nelia.

Kabilang din sa cast ng pelikula ang mga aktor na sina Mon Confiado, Vin Abrenica, Dexter Doria, Lloyd Samartino, Shido Roxas, Ali Forbes, at Raymond Bagatsing.

Ang Nelia ay ang unang motion picture venture ng bagong movie outfit na A and Q Productions Film, Inc.

Silipin ang hottest photos ni 'Reina' Winwyn Marquez sa gallery na ito: