GMA Logo jamill camille trinidad  jayzam manabat
What's Hot

YouTube star couple JaMill's relationship on the rocks; Camille Trinidad accuses Jayzam Manabat of cheating

Published April 18, 2021 4:04 PM PHT
Updated April 18, 2021 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

jamill camille trinidad  jayzam manabat


Jayzam Manabat apologizes to Camille Trinidad. He also claims that he has confessed everything to his girlfriend.

Usap-usapan ngayon sa social media ang YouTube celebrity couple na sina Camille Trinidad at Jayzam Manabata o mas kilala bilang JaMill.

Lumabas kasi ang ilang larawan ng mga babae na diumano'y sangkot sa alegasyong pambabae ni Jayzam. May ilang larawan din na naglalaman ng diumano'y pakikipag-usap ng kilalang vlogger sa mga ito.

Dahil dito, hindi na napigilang magsalita ni Camille tungkol sa relasyon nila ni Jayzam.

"Gusto ko nalang din mag salita. Kasi hindi matatahimik yung isip ko dahil sa sobrang sakit ng nangyare sakin," ani Camille sa kanyang mahabang post sa Facebook kahapon, April 17.

Kasunod nito ay inilahad ni Camille ang mga pangyayari pati na ang mga taong kasama diumano ni Jayzam nang mangyari ang mga akusasyon laban sa kanya.

Sa huling bahagi ng post, sinabi pa niya, "Sana next time bago nyo gawin isipin nyo muna yung sakit na dadalhin ng tao, yung sakit na hindi madaling kalimutan.

"Oo walang perpektong tao. God knows nag papasalamat ako kasi lumabas din lahat.

"Kaya siguro hindi ako mapakali palagi kasi may ganito pala. Mabait padin saakin ang Diyos kasi nalaman ko lahat.

"Hindi ko na ito ivinideo kasi hindi ko kaya. Sa sobrang bigat."

Sa hiwalay na post, ramdam na ramdam ang galit ni Camille sa mga nalaman niya tungkol sa diuamno'y panloloko ng kanyang boyfriend na si Jayzam.

"Akala ko tatlo lang pero apat pala sila. Sana naman wala ng lumabas dahil sobrang sakit na," sabi ni Camille sa post na kalakip ang mga larawan ni Jayzam kasama ang mga babaeng diumano'y sangkot sa kanyang panloloko.

Sa comment section, sinabi rin ni Camille kay Jayzam, "Jayzam baket? Nung nalaman ko yung una ang sakit pero pinatawad pa rin kita diba? Bakit umulit pa? May pangatlo pa? May pang apat pa? Akala ko okay tayo e. Yung unang beses pa nga lang ang sakit na para sa akin pero tinanggap ko. Nagusap tayo, pinatawad kita kasi mahal kita. Jayzam ang sakit.. 💔"

Sa kabilang banda, nagsalita na rin si Jayzam tungkol sa mga akusasyon sa kanya.

Sa kanyang Facebook post kahapon, sinabi ni Jayzam na nakausap na niya ang kanyang girlfriend at "Inamin ko na lahat ky Camille."

Patuloy pa niya, "Ayaw ko nang gumaya sa iba na mag tatago pa at itatanggi pa. Lahat ng sinabi ni Camille totoo, hinarap ko ng buo.

"Pasensya na sa mga nadismaya sakin, naiintindihan ko po lahat ng hate at galit, deserve ko po.

"Wala nang ibang mas iimportante sakin kundi ang pamilya namin at si Camille.

"Sinabi ko na lahat sakanya, lahat po ng sinabi nya. Sakin po mismo nanggaling yun at inaamin ko po lahat ng iyon. Bilang lalaki.

"Maraming salamat sa mga nag mamalasakit na nag chachat saamin ngayon maraming salamat po.

"Sa pag kahulog namin, mas lalo naming nakikilala kung sinong andito para saamin at kung sinong totoo saamin."

Sa huli, tila may pagsisising sinabi ni Jayzam, "Mahal na mahal kita Camille❤️ di mo deserve ang Jayzam na kagaya ko."

Sa comment section, mariin ding pinabulaanan ni Jayzam ang isa sa mga panlolokong ibinabato sa kanya.

Gayundin, sinabi niya na kaya dalawang buwan na rin siyang hindi nakainom, bagay na pinanghahawakan umano ni Camille kaya siya pinagbigyan.

Pangako pa niya sa huli, "Hindi ako habang buhay ganto. At ayaw kong maging ganto habang buhay."

Isa sa mga itinuturing na power couple sa YouTube sina Camille at Jayzam.

Sa kasalukuyan, ang kanilang YouTube channel ay may mahigit 12 million subscribers.

Bukod kina Camille at Jayzam, narito ang ilang pang YouTube celebrity couples na nagkaroon ng problema sa kanilang relasyon:

Samantala, balikan ang mga kilalang celebrity couple na naghiwalay noong nakaraang taon: