What's Hot

Mikee Quintos at Kelvin Miranda, posible bang mauwi sa relasyon ang tambalan?

By Maine Aquino
Published April 20, 2021 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hussein Loraña, Naomi Marjorie Cesar rule athletics' 800m events at 2025 SEA Games
Baste Duterte slams opening of unfinished road project
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos and Kelvin Miranda


Alamin ang makahulugang sagot nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa estado ng kanilang tambalan.

Sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda ay puno ng kilig sa isa't isa. Ito ay ramdam rin ng kanilang fans na sumuporta sa kanilang tambalan na nagsimula sa The Lost Recipe.

Simula nang gumanap sina Mikee at Kelvin bilang Apple at Harvey, may mga tagahanga silang umaasang sana ay mauwi sa totohanan ang kanilang tambalan.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com ay ikinuwento nina Mikee at Kelvin ang estado ng kanilang tambalan.

Ayon kay Kelvin, alam naman nilang dalawa ni Mikee kung nasaang stage sila kaya hindi niya nararamdaman ang pressure sa hiling ng ilan sa kanilang mga fans.

"Parang hindi naman, kasi alam naman natin kung nasaang stage tayo e 'di ba?

"Magkakaroon ka lang naman ng pressure once na hindi mo alam kung nasaan ka. Pero once na alam mo at naiintindihan mo ang mga nangyayari wala e, masaya ka. Magiging masaya ka."

Mikee Quintos and Kelvin Miranda

Photo source: @mikee

Saad naman ni Mikee, imbes na pressure ay saya at kilig ang kaniyang nararamdaman.

"There's no pressure naman because I am happy at kinikilig ako na nakikita nila 'yun. That means we may be doing something right.

Dugtong pa niya, ito ay nangangahulugan lamang na nag-e-enjoy sila sa trabaho habang naihahatid nila ang kilig para sa kanilang mga fans.

"For a love team parang kung tinatanggap ang isang love team in that way I think we're doing our jobs right. But it doesn't feel like we're working so 'yun 'yung best gift doon; na okay kami sa isa't isa at na-e-enjoy namin ang trabaho together. Doon muna tayo ngayon."

Sa interview ay inamin ni Kelvin na bago nila simulan ang trabaho bilang love team, nagkaroon sila ng seryosong pag-uusap ni Mikee.

"Noong first meeting namin in-explain ko sa kanya, nag-usap talaga kasi kaming dalawa talagang masinsinan. Na Kelvin ano ba, Mikee ano ba, parang ganun. Para maintindihan natin ang mga bagay-bagay; i-try natin i-justify.

Saad pa ni Kelvin, 'pag inisip nila ang pagbuo ng relasyon ay baka makasama ito sa kanilang tambalan at turingan sa isa't isa.

"Kasi 'di ba once na iniisip natin 'yung relationship, puwedeng mawala?

"'Yun 'yung magkakaroon tayo ng samaan ng loob. Hindi natin maiiwasan yun e kasi tao tayo. Sasabihin natin hindi, mature naman tayo but maaaring magkaroon ng lamat 'yung ginintuang pagsasama natin na ganito na wala namang something but merong kuryente. May spark kahit na sabihin natin hindi pa tayo doon."

Para kay Mikee, hindi man sila nape-pressure, inaamin niyang may spark silang nararamdaman sa isa't isa.

"Nafi-feel namin 'yun e, it's kinda like magic. I think it's where the magic comes from din na hindi kami nagpapa-pressure."

Tingnan ang sweet photos nina Mikee at Kelvin rito: