GMA Logo Alwyn Uytingco Jennica Garcia family
What's Hot

Alwyn Uytingco, umaasang mabubuo muli ang kanilang pamilya

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 17, 2021 10:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Alwyn Uytingco Jennica Garcia family


"Balang araw maging maayos na ang lahat," ito ang dasal ni Alwyn Uytingco sa gitna ng kanilang kinakaharap na problema.

Nananatiling matatag ang aktor na si Alwyn Uytingco sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Alwyn ang kanyang dasal, kalakip ang larawan ng kanilang pamilya.

"Araw-araw, ito ang magiging dasal ko. Ito ang kakapitan ko. Ito ang papangarapin ko. Ito ang aasahan ko," sulat ni Alwyn sa caption.

"Na balang araw, maging maayos na ang lahat. Alam ko hindi magiging madali.. alam ko marami ang kailangan harapin.

"Pero mas pipiliin kong tawirin ang tunay na 'to, kahit ikamatay ko, susubukin ko dahil alam ko na ikaw (at mga anak natin) ang sasalubong sa'kin sa dulo."

Isang post na ibinahagi ni Alwyn S. Uytingco (@alwynzky)

Nagsimula ang usap-usapang hiwalay na sina Alwyn at aktres na si Jennica Garcia nang tanungin noon ni Jennica kung paano mapapalitan ang kanyang pangalan sa Instagram.

Kinalaunan, kinumpirma ni Jennica na hiwalay na sila ni Alwyn sa isang exclusive interview sa GMANetwork.com.

Saad ni Jennica, "From a family-of-four, we are now a family-of-three."

Kamakailan lang ay muling ibinahagi ni Alwyn ang larawan ni Jennica habang may hawak na bulaklak.

Sulat ni Alwyn sa caption, "Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita."

Isang post na ibinahagi ni Alwyn S. Uytingco (@alwynzky)

Ang hiwalayan nila ni Alwyn ang dahilan ni Jennica kaya siya bumalik sa showbiz pagkatapos ng ilang taon.

Tingnan ang buhay ni Jennica bilang single working mom DITO: