GMA Logo Ellen Adarna
What's Hot

LOOK: Derek Ramsay, ipinakita ang nakatutuwang sleeping photo ng fianceé niyang si Ellen Adarna

By Dianne Mariano
Published June 18, 2021 6:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ellen Adarna


Ito ay isang patunay na mahal na mahal ni Derek ang kanyang soon-to-be wife na si Ellen.

Inilahad ni Kapuso hunk Derek Ramsay sa Instagram ang larawan ng kanyang fianceé na si Ellen Adarna, kung saan makikita ito na malalim ang tulog habang kaunting nakabukas ang bibig.

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Caption ni Derek, “You know you really love someone when you don't freak out when you wake up to this in the morning!”

Agad naman nag-post ng comment si Ellen, “Kaya patay na patay ka sakin eh.”

Dahil sa litrato na ito, maraming natuwa na netizens at ilang kilalang personalidad sa industriya gaya na lamang nina Pops Fernandez at Giselle Sanchez.

Karamihan naman ng mga netizen ay nag-iwan ng laughing emojis. Mayroon din mga pumuri kay Ellen gaya ni Dr. Vicki Belo dahil sa angking ganda pa rin nito kahit natutulog.

Ani Dr. Belo, “You're so mean. Don't post naman. I'll kill Hayden if he posts me. But, in fairness, she's still gorgeous”.

Ramdam na ramdam sa post na ito ang pagmamahal ni Derek para sa sexy actress.

Makikita rin sa kanilang Instagram accounts ang mga larawan nila na nakakakilig at nakakatuwa bilang mag kasintahan at ngayon na sila ay engaged.

Ayon sa GMA Network report, naging opisyal ang kanilang relasyon noong February 26 at tila mayroon “spark” na nararamdaman ang dalawa sa isa't-isa noong una sila nagkakilala sa personal.

Simula noon, naging bukas sa publiko si Ellen at Derek tungkol sa kanilang relasyon at kita sa social media ang kanilang pagmamahalan sa isa't-isa.

Pagkalipas ng isang buwan bilang magkasintahan, inilahad si Derek sa Instagram ang kanyang engagement proposal kay Ellen noong March 30.

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Ipinakita rin ni Ellen ang litrato ng kanyang engagement ring at nakahawak sa mukha ng aktor na may caption na “Game Over @ramsayderek07.” Sabay na araw ipinakita ng dalawa ang kanilang opisyal na engagement sa social media at nakatanggap ng pagbati mula sa mga netizens at kilalang artista sa showbiz gaya nina Martin Nievera, Ruffa Gutierrez, at Yam Concepcion.

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)

Kasama rin sa proposal photos nila ang kani-kanilang mga anak na sina Elias Modesto at Austin Ramsay.

Photo courtesy: Ellen Adarna's IG.

Maliban sa kanilang mga kilig moments, mayroon din mga larawan si Derek na kasama ang nag-iisang anak ni Ellen na si Elias at makikita rito ang magandang relasyon ng dalawa.

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

May isang anak din ang aktor at ito ay ang 17-year-old na si Austin Ramsay Siya ang nag-iisang anak ni Derek sa kanyang dating asawa na si Mary Christine Jolly.