GMA Logo Jak Roberto Barbie Forteza
What's Hot

Jak Roberto, hangang-hanga sa girlfriend niyang si Barbie Forteza

By Nherz Almo
Published June 21, 2021 5:35 PM PHT
Updated June 22, 2021 1:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto Barbie Forteza


Napahanga si Jak Roberto sa girlfriend niyang si Barbie Forteza habang inaalala ng huli ang favorite movie niya, "Ang galing mo talaga. Benta sa movie 'tong si mahal, e."

Sa halos isang dekada ni Jak Roberto sa showbiz, marami-rami na rin ang naging proyekto niya sa GMA Network.

Sa mga ito, sa palagay ni Jak, ang dating primetime romantic-comedy series na Meant To Be ang best project niya sa ngayon.

Sa part one ng vlog niyang "Questions We've Never Asked Each Other," kasama ang girlfriend niyang si Barbie Forteza, sinagot ng Kapuso hunk actor ang tanong na, "What was the best project you ever did?"

"Para sa akin, yung Meant To Be talaga kasi 'yon yung ano, e, breakthrough ko, 'di ba?" sagot ni Jak nang may halong biro.

Pagkatapos ipinaliwanag ng 27-year-old actor, " Kasi, after n'ong Meant To Be, guys, lagi kong sinasabi na napasama ako sa billboard, na isa sa leading men ni Barbie Forteza.

"Dati ini-imagine ko lang nga 'yon kapag kumakain ako sa may tapat, 'Kailan kaya ako, tayo mapapalagay diyan, Sanya?' Yung mga ganun. 'Tapos ayun na."

Si Sanya Lopez ang nakababatang kapatid ni Jak, na kasalukuyang bida sa hit GMA Telebabad series na First Yaya.

Patuloy pa ni Jak, "Kumbaga, nandoon lahat ng fulfillment ko noong time na 'yon.

"Nagkaroon ako ng mga endorsements din with her, nagkaroon ako ng mga new offers, new projects.

"So, yun talaga yung nagbukas sa akin ng mga pinto, bukod, siyempre, sa Walang Tulugan. Yun talaga yun, from beginning, noong nagsimula ako."

Hindi naman naiwasang magkomento ni Barbie, "So proud of you."

Ang Meant To Be ang ikalawang teledramang kinabilangan pareho nina Barbie at Jak. Una silang naging bahagi ng GMA Afternoon Prime series na The Half Sisters (2014) ngunit hindi sila ang magkatambal.

Bukod kay Jak, leading man din ni Barbie sa Meant To Be sina Ken Chan. Ivan Dorschner, at Addy Raj.

Samantala, sa parte naman ni Barbie, tinanong siya ni Jak ng kanyang favorite movie.

Sagot ni Barbie, "Favorite film na nagawa ko, I guess, would be Tuos with the Superstar Nora Aunor."

Komento ni Jak, "Oo ang galing mo dun. Hinihintay ko nga sa Netflix yun para panoorin ko ulit, e."

Pagkatapos ay pabiro niyang sinabi, "Ang naalala ko lang dun yung tikbalang. Yung mga nakapanood, makaka-relate."

Para kay Barbie, kakaibang experience nang gawin niya ang Tuos, "Naka-isolate kami talaga sa isang bundok sa Iloilo.

"'Tapos, para kaming dormmates, nandun kami sa iisang bahay, pinagluluto kami ni Ate Guy.

"'Tapos, all the way, ang dialect namin dun is Kinaray-a, parang malalim na Ilonggo.

"Hindi ko talaga malilimutan, ang aga-aga 'tapos ang lamig ng tubig."

Samantala, 'di napigilan ni Jak na humanga sa kanyang girlfriend, "Ang galing mo talaga. Benta sa movie 'tong si mahal, e."

Ang Tuos (2016) ay ikatlong indie film ni Barbie Forteza sa Cinemalaya. Bago ito ay naging bumida rin siya sa Mariquina (2014) at Laut (2014), kung saan kinilala siya bilang Best Actress sa 36th Fantasporto International film Festival.

Sa huli, hiling ni Barbie, "Sana nga makagawa na ulit."

Panoorin ang kabuuan ng vlog dito:



Samantala, tingnan kung paano umusbong ang pag-iibigan nina Jak at Barbie rito: