
Malaman ang naging reaksiyon ni Barbie Forteza sa fake news tungkol sa diumano'y paghihiwalay nila ng boyfriend niyang si Jak Roberto.
Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni Barbie ang screenshots ng naturang fake news, kung saan ginawan pa ng quote card kaugnay ng dating viral story tungkol sa kanilang exchange gift.
Kapansin-pansin na nagamit ang magkasintahang sina Barbie at Jak para maging viral ang fake news posts na ito.
Kaya naman ang maiksing reaksiyon ni Barbie, "To whoever made this, you're welcome."
125k Reactions, 25K Comments & 68K Shares and counting...
-- Barbie Forteza (@dealwithBARBIE) July 29, 2021
To whoever made this, you're welcome. pic.twitter.com/H92vHqQrBG
Madaling mapatunayang mali ang balitang ito dahil kahapon lamang, July 28, nag-upload si Jak ng bagong vlog kasama ang kanyang girlfriend.
Mapanonood sa vlog update na ito ang pagpapabakuna nilang dalawa nang magkasama.
Sa nakaraang vlog ni Jak, inamin ng Kapuso couple na napag-uusapan na nila ang kasal.
Sabi ng aktor, "Kahit pa anong wedding 'yan, kahit na simple lang, kahit na engrande or kahit saan."
Gayundin, sabi ng aktres, "Basta sabi ko sa kanya, hindi naman importante sa akin kung papaano kami ikakasal, ang importante lang, makasal kami para lang mas secure kami."
Samantala, tingnan ang sweet photos nina Barbie at Jak dito: