GMA Logo Dominic Roque and Bea Alonzo
What's Hot

Bea Alonzo sa pagsuporta ng BF na si Dominic Roque sa kanyang vlog: "Kinilig ako"

By Aimee Anoc
Published August 16, 2021 4:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Dominic Roque and Bea Alonzo


"Mine." - Dominic Roque

Maraming fans ang kinilig sa ibinahaging pagsuporta ni Dominic Roque sa vlog ng nobyang si Bea Alonzo.

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

"Mine," caption ni Dominic na may kasamang heart emoji sa larawan nila ni Bea na kuha sa Carmel, California.

Makikitang nakayakap sa braso ni Dominic si Bea at nakadantay ang ulo nito sa balikat ng nobyo.

"Thanks for watching Bea's Travel Vlog Part 1," dagdag pa nito.

Bukod sa pagsuporta ni Dominic, marami rin ang kinilig sa komento ng aktres sa post na ito, "kinilig ako," na may kasamang heart emoji.

Agad naman itong sinagot ng nobyo ng tatlong kiss emojis.

"Kami rin po super kilig. Stay in love," pagsuporta ni @sarahdanila12.

"Taga-sana all na lang tayo ses... super bagay mareh Bea Alonzo," pagbabahagi ni @_xanggetheexplorer.

"Nakakakilig talaga 'yung vlog n'yo... more of him pleaseee!" dagdag pa ni @madeneeeee.

"SAYONG-SAYO!!! Ahhh! Please know na so so so many people are celebrating the love you guys have. Grabe parang sinipag ako tapusin 'yung thesis namin dahil dito wahahahaha love you guys 5ever," sabi ni @dracaaa.rys.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 313,000 likes at 7,000 comments ang post na ito ni Dominic.

Sa vlog ni Bea, makikita ang naging bakasyon niya sa Amerika kasama ang nobyo. Mapapanood din ang naging food trip nila at ang pagpunta sa mga sikat na atraksyon sa California.

Kasalukuyang mayroong 1.6 million views na ang vlog na ito ni Bea.

Noong August 9, kinumpirma ni Bea ang relasyon kay Dominic sa panayam kay Nelson Canlas.

"It wasn't as if, like masyado ko siyang plano or masyado ako nag-hold back. It just came out naturally," pahayag ng aktres.

Samantala, balikan sa gallery na ito ang sweetest photos nina Bea Alonzo at Dominic Roque: