
Simula noong inanunsyo ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang kanilang engagement noong Marso, hindi na ulit sila nagkasama nang matagal dahil busy sila sa kani-kanilang mga teleserye.
Si Tom ay nag-lock-in taping sa The World Between Us samantalang si Carla naman ay nasa taping ng To Have and To Hold.
"Four months lang dapat 'yun kaso ngayon with the ECQ, siyempre mas na-extend pa," paliwanag ni Tom sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
"Dapat September 3 tapos na siya, September 6 tapos na ako. Ngayon, September 3 matatapos siya, ako naman papasok ako ng September 3.
"Ayun na naman kami, salisi na naman."
Kahit na matagal silang hindi nagkikita tuloy-tuloy pa rin ang wedding preparations nina Tom at Carla.
October 23 dapat ang kasal nina Tom at Carla sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands pero hindi pa sigurado kung matutuloy ito.
Paliwanag ni Tom, "Meron tayong Taal Volcano scare, e doon mismo gaganapin 'yung kasal 'tsaka 'yung reception.
"Ngayon meron tayong ECQ so we have to plan for the current protocols."
Sa kabila nito, naniniwala si Tom na matutuloy pa rin ang kanilang pinakahihintay na church wedding.
"Pero ako, I'm very, very hopeful. Nararamdaman ko talaga sa puso ko, mangyayari in His own time and at the same place.
"Kasi lahat 'yun divined by Him."
Bago ang kanilang kasal, balikan muna kung paano nagsimula ang pagmamahalan nina Tom at Carla dito: