
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang makukulit at sobrang sweet na mga larawan nila ng asawang si Marian Rivera habang nasa GMA Pinoy TV FunCon.
Courtesy: dongdantes (IG)
Kita sa masasayang ngiti at kulitan moments ng royal couple kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Dahil sa nakakahawang kilig mula sa kanilang kulitan moments, pinusuan ito ng netizens.
Napuno ng heart emojis ang comment section ng Instagram post ni Dingdong.
Ilang proud fans din ng royal couple ang nag-comment sa kanilang nakakakilig na pictures.
Ayon sa isa pang comment, ang DongYan daw ay tila match made in heaven.
August 25, habang nasa FunCon, ikinuwento ng Primetime King at Queen kung paano nila napapanatili ang kanilang matibay at malalim na pagmamahal sa isa't isa.
Ayon kay Marian, "Malaking factor na sinasama namin ang Panginoon sa gitna namin at 'yun ang nagpapatibay talaga sa relasyon namin at sa mga anak namin."
Dagdag pa niya, "Hindi nawawala 'yung kilig kasi ewan ko. Marami kasing gimik kasi din 'to e. Parati akong pinapakilig e. So ako naman sa iba ko naman siya pinakikilig, sa ibang way. Magkaiba kaming dalawa."
Ayon naman kay Dingdong, inspiration niya si Marian upang mas maging mabuting tao.
"Mas na-i-inspire ako maging mabuting tao dahil sa kanya. Kumbaga, sinusuportahan niya lahat ng gusto ko. Kunwari may gusto akong makamit o marating, nandiyan siya talaga 100 percent to support me at ganon din ako para sa kanya."
Mapapa #SanaAll ka na lang talaga habang tinitingnan ang napakatamis na moments ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.