Showbiz News

Sophie Albert, napikon sa prank ni Vin Abrenica?

By Maine Aquino

Sa bagong vlog nina Sophie Albert at Vin Abrenica, isang fun challenge na ginawang prank ang ipinakita ng celebrity couple sa kanilang YouTube channel.

Sinubukan ni Vin na i-prank si Sophie sa jojowain o totropahin challenge dahil never pa raw nagselos ang kaniyang longtime partner.

"Itong babaeng 'to, si Sophie, hindi marunong magselos. Walang effect sa kaniya ever since the start of our relationship. 8 years na kami, walang effect talaga sa kaniya."

Photo source: YouTube: Vin & Sophie

Para alamin kung magseselos si Sophie, gumawa ng plano si Vin sa kanilang vlog.

"Naisip ko ipa-prank ko siya, so lahat ng choices jojowain natin. Pero para hindi halata, 'yung first two, totropahin muna natin para hindi tayo agad mahuli tapos the rest jojowain natin lahat. Tingnan natin kung ano'ng mangyayari."

Sa kalagitnaan ng kanilang game ay nabuking ni Sophie si Vin. Kaya naman hindi napigilang matawa ng aktor.

"Sabi ko na e. Bakit mo ko pina-prank?" natatawang tanong ni Sophie kay Vin.

Ayon kay Sophie, nahalata niyang pina-prank siya ni Vin nang sabihin niyang jojowain niya pati ang close friends niya sa showbiz. Isa sa mga ito ay si Ria Atayde na parang kapatid na ni Vin.

Kuwento ni Sophie, "Kay Ria, doon ako parang ah niloloko ako nito. Kasi I mean I know you guys are close."

Panoorin ang nakakatuwang vlog ng celebrity couple dito:

Sophie Albert asks Vin Abrenica: "Do you believe men can't resist temptation?"

Sophie Albert and Vin Abrenica reveal what they like and don't like about their relationship