GMA Logo Bea Alonzo
What's Hot

Bea Alonzo admits she's now a "better partner"

By EJ Chua
Published October 11, 2021 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Tropical Storm Ada as of 5:00 PM (Jan. 18, 2026)
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Inamin ni Bea Alonzo na "better partner" na raw siya sa kanyang current relationship. Alamin kung bakit, DITO:

Kilala ang Kapuso actress na si Bea Alonzo sa kanyang lead roles sa ilang romantic Filipino movies. Pero anong type of girlfriend kaya siya in real life?

Masayang ibinahagi ng Kapuso star sa Unang Hirit Barkada ang ilang detalye tungkol sa kanyang current love life.

Matapos ang pinagdaanan ng kanyang puso noon, kumusta na kaya si Bea ngayon bilang partner?

“I think I'm a better partner now, because I have learned to love myself more. So, I have more love to give and the right time of love,” kwento ni Bea.

Nito lamang August 9, inamin ni Bea Alonzo na siya ay in a relationship sa aktor na si Dominic Roque.

Sa naging panayam ng 24 Oras noon kay Bea, inamin niya rin na naging mas maingat siya ngayon dahil na rin sa naging karanasan niya sa kanyang past relationship.

Ayon kay Bea, "It's not like I was trying to hide it. I think I was trying to be careful kasi given my past experience, siyempre gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official.”

Hindi man mabilis ang naging pag-amin sa publiko, makikita namang masaya si Bea at ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque kung ano sila ngayon para sa isa't isa.

“We only live once and happiness is best when shared. I want to share my happiness," dagdag pa ni Bea.

Makikita sa ilang Instagram post na sweet na sweet ang celebrity couple habang magkasama sa ilang trips at vacation.

Ilan rito ay ang Instagram worthy photos ni Bea at Dominic noong magbakasyon sila sa US.

Matapos pumirma ng kontrata sa GMA Network noong July 1, maraming fans ang nag-aabang na sa projects ni Bea Alonzo sa bagon niyang tahanan kasama ang ilang Kapuso stars.

Sa pamamagitan naman ng vlogging, mas nalalaman ng kanyang fans ang ilan pang interesting na bagay sa buhay ng isang Bea Alonzo.

Tingnan ang most-viewed vlogs ni Bea sa gallery na ito: