
Matapos ang ilang taon na pananahimik patungkol sa kaniyang buhay pag-ibig, kinumpirma na ngayon ng aktres at host na si Kris Aquino na “in a relationship” na ulit ang kaniyang status. Kamakailan lang ay inanunsiyo ni Kris ang engagement nila ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Mel Sarmiento.
Ilang araw lang matapos ito ay nag-post si Kris sa kaniyang Instagram account ng video kung saan sumalang sila sa isang hot seat interview kasama ang kaniyang anak na si Bimby.
"Hi everyone, feeling ko kasi marami kayong mga question and I felt that a perfect person to talk to us and ask questions (yung mga katanungan ninyo) would be Bimb because he would make at least him (Mel Sarmiento) comfortable," sabi ni Kris.
Isa sa naging tanong ni Bimb ay kung paano nga ba napasagot ni former secretary ang kaniyang Mama na si Kris.
"Tito Mel, how did you ano...make lambing to her?" tanong ni Bimb.
Sa video, makikitang hindi agad nakapasalita si Mel, kaya agad na lang itong sinagot ni Kris.
"Bimb, out of the blue, he just kissed me," pag-amin ni Kris.
Natuwa naman si Bimb sa rebelasyon ng Ina at agad na nakipag-fist bump sa kaniyang Tito Mel.
"Wow! suave suave. May balls pala si Tito Mel" natutuwang sinabi ni Bimby.
"Hindi ko napigilan eh. At least she didn't slap me," sabi naman ni Mel.
Paliwanag pa ng dating DILG secretary, hindi raw niya napigilan ang kaniyang sarili na gumawa na ng move kay Kris dahil talagang na-starstruck daw siya sa aktres.
Panoorin ang nakatutuwang question and answer session na ito ng tatlo rito:
Silipin naman sa gallery na ito ang relationship timeline nina Kris Aquino at Mel Sarmiento: