
Matapos ikasal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez noong October 23, masayang ibinalita ng Kapuso couple ang kanilang mga susunod na hakbang sa kanilang relasyon.
Sa Unang Balita interview ni Aubrey Carampel, ibinahagi nina Carla at Tom kung kailan nila balak magkaroon ng anak.
"Agad," madiin na sagot ni Tom sa tanong ng GMA News reporter.
Dagdag naman ni Carla, "It's not something that we honestly don't want to delay. Kasi isa rin 'yon sa reasons [kung bakit] gusto na naming magpakasal."
Ayon pa sa kanila, taong 2022 ang kanilang target honeymoon kapag tapos na ang kani-kanilang projects.
Weeknights napapanood ngayon si Carla sa To Have And To Hold samantalang si Tom ay kabilang sa cast ng The World Between Us.
Kamakailan lamang ay nag-post si Carla ng kanyang vlog kung saan ipinakita nila ang unboxing ng mga natanggap nilang wedding gifts. Panoorin ang video na ito.