
#EarlierThanNever!
Maagang ipinagdiwang ng Kapuso actress na si Shaira Diaz at ng kanyang longtime boyfriend na si EA Guzman ang kanilang ninth anniversary.
Isinabay na rin dito nina EA at Shaira ang pagdiriwang ng Valentine's Day.
Sa isang Instagram Story ni EA, makikita ang larawan nila ni Shaira na may caption na, “Same kami ng schedule ng lock-in taping…Happy Valentines Day! Happy 9th Anniversary! Advance ko na Baba.”
“Mamimiss kita. See you after 2 months,” dagdag pa ni EA.
Kapansin-pansin sa larawan nina EA at Shaira na hindi nila maitago ang lungkot na nararamdaman dahil ilang buwan silang hindi magkakasama.
Ibinahagi rin ni Shaira ang story ni EA sa kanyang Instagram account.
“Going to miss you baba [cry emojis]. See you soon! Advance HVD and Happy Anniv, too! [heart emoji],” sagot naman ni Shaira kay EA.
Napagkasunduan ng magkasintahan na maagang ipagdiwang ang Valentine's Day at ang kanilang anniversary dahil pareho silang abala sa kani-kanilang projects bilang mga artista.
Sa kasalukuyan, naka-quarantine na si Shaira para sa lock-in taping ng action-adventure series na Lolong.
Noong nakaraang taon, nagbakasyon sa Boracay sina EA at Shaira para ipagdiwang ang kanilang eighth anniversary.
Samantala, balikan ang Boracay getaway nina EA at Shaira sa gallery na ito: