GMA Logo tom rodriguez and carla abellana
What's Hot

Tom Rodriguez, nag-I love you sa Instagram post ni Carla Abellana

By Aimee Anoc
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated February 11, 2022 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

tom rodriguez and carla abellana


Kasunod ng kapansin-pansing pag-like ni Tom Rodriguez sa bagong tattoo ng misis niyang si Carla Abellana, agad namang pinusuan ng fans nila ang pag-"I love you" ng aktor sa huli.

Marami ang kinikilig ngayon sa komento ni Tom Rodriguez sa latest Instagram post ni Carla Abellana.

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Ngayong Biyernes, February 11, ibinahagi ng aktres ang ilan sa mga larawan niya mula sa isang photohoot.

Agad na nag-comment dito si Tom ng "I love you" na may kasamang heart emojis.

Tom Rodriguez

Kasalukuyang mayroon nang mahigit 2100 likes ang komento na ito ni Tom sa post ng kanyang misis.

Matatandaan na noong Enero naging laman ng balita ang bagong kasal matapos na mapansin ng netizens na naka-unfollow sina Tom at Carla sa isa't isa sa Instagram.

Bagamat walang direktang pahayag ang mag-asawa tungkol dito, nawala naman ang pangamba ng kanilang fans nang makitang muli na nilang pina-follow ang isa't isa.

Kamakailan din, ikinatuwa ng TomCar fans ang pag-like ng aktor sa bagong tattoo ng aktres.

Ikinasal sina Tom at Carla noong October 2021 matapos ang pitong taong relasyon.

Samantala, mapapanood si Tom ngayong Sabado sa "Sabungero" episode ng Wish Ko Lang, kung saan bibigyang buhay niya ang kwento ng nawawalang sabungerong si Darwin.

Tingnan ang masayang relasyon nina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa gallery na ito: