
Mas tumatag ang relasyon ng Kapuso Primetime couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera nang gawin nila ang Mother's Day special documentary na MISS U: A Journey to the Promise Land. Ganito isinalarawan ni Dingdong ang kanilang dokumentaryo nang tanungin siya ng GMANetwork.com sa contract signing ng kanilang much-awaited primetime sitcom.
Paliwanag ng multi-awarded actor, “Bilang storyteller, depende sa kung ano 'yung perspective. Kaya para sa akin, actually mas natulungan ako ng documentary to appreciate my wife more.”
“Siguro, I'd like to put it that way. Kasi as a storyteller, 'yun 'yung way ko kung paano ko siya ikukuwento and siguro nagbabago 'yung paraan na 'yun, depende sa mood or depende sa inspiration.
Pagpapatuloy niya, “But siguro, what I can say, because of this story and because of 'yung experience ko witnessing and everything that had happened when we were in Israel -- nagbago 'yung tingin ko sa kaniya.”
Dagdag pa ni Dingdong na dahil siya rin ang nag-direk ng documentary, lalo raw niya nakilala ang kaniyang misis.
Aniya, “Mas humanga ako sa kaniya bilang isang nanay, kasi naintindihan ko kung saan siya nanggagaling, kung ano 'yung pinagmumulan niya. Kasi minsan kung out of context 'yung mga bagay, hindi mo na-a-appreciate, e.
“Pero while doing it and making it, meron pa akong bits and pieces information na nakukuha ko na hindi ko alam dati. And, lumabas lang 'yung circumstance and itong mga bagay na ito, hindi mo siya makukuha every day. That is why sabi ko, because of these bits and pieces of information mas nabuo lalo 'yung pagkatao niya bilang isang nanay.'
Mas na-appreciate din daw ng Kapuso Primetime King ang kaniyang mother-in-law na si Mommy Amalia.
“Hindi lang bilang isang nanay, bilang anak din ng isang OFW. Mas na-appreciate ko rin 'yung mother-in-law ko ngayon at higit sa lahat 'yung mga nanay out there, who are also in the similar situation na nagtatrabaho sa ibang bansa, malayo sa kanilang mga anak.
"Kung bakit nila ginagawa 'yun. Isang napakatinding saludo talaga sa kanila. So 'yun ang naging, journey of telling the journey of the story, which I think is very appropriate, especially for Mother's Day.”
Tunghayan ang MISS U: A Journey to the Promise Land sa Sabado May 7, after Eat Bulaga.
Tingnan ang ilan sa sweetest moments ng DongYan sa gallery below.