GMA Logo kyline alcantara and mavy legaspi
Source: mavylegaspi (Instagram)
What's Hot

Kyline Alcantara at Mavy Legaspi, sweet na sweet sa NCAA All-Star game

By Jimboy Napoles
Published June 6, 2022 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

kyline alcantara and mavy legaspi


Kyline Alcantara at Mavy Legaspi hindi naitago ang pagiging sweet sa isa't isa sa NCAA all-star game.

Hindi lang three-point shot ng magagaling na basketball players ang tinilian ng mga manonood kahapon sa ginanap na NCAA all-star game, pati na rin ang nag-uumapaw na sweetness ng Kapuso love team na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

Sa nasabing basketball match, kabilang si Mavy sa magkahalong NCAA players at Sparkle stars na Team Heroes habang muse naman nila si Kyline. Dito, hindi napigilan ng dalawa ang pagiging supportive at clingy sa isa't isa. Suot ng aktres ang isang jersey kung saan nakalagay ang apelyido at numero ni Mavy na 'Legaspi 13.' Bukod dito, hawak pa niya ang isang banner para kay Mavy na may nakasulat na 'Heroes #13 No.1 Fan.'

Sa isa namang video na inupload ng Sparkle sa Instagram, makikita ang pagsuporta ni Mavy sa free-throw shots ni Kyline. Spotted na lumalapit pa ang teen actor sa half-court para i-cheer ang aktres.

Masayang nag-free-throw si Kyline, pero na-miss niya ang kanyang unang shot, kaya agad siyang napatakbo kay Mavy. Sa kanya namang second try ay dumaplis lang sa ring ang bola, hanggang sa tuluyan niya na itong na-shoot sa ikatlong try kung saan napatalon at napayakap na siya kay Mavy dahil sa saya. Binalikan naman ng mahigpit na yakap ni Mavy ang aktres na masayang-masaya rin sa kanyang successful free-throw shot.

@sparklegmaartistcenter #MavLine kilig moment! 😍🙈 #NCAASeason97 #fyp #foryourpage ♬ original sound - XVX

Pagkatapos ng laro, itinuloy pa ni Mavy sa Instagram ang pagiging sweet kay Kyline nang i-post niya ang kanyang larawan habang karga ang dalagang aktres.

"I win," caption ni Mavy sa nasabing post.

A post shared by Maverick Legaspi (@mavylegaspi)

Kasama ni Mavy sa Team Heroes ang kapwa Kapuso stars na sina Jason Abalos, David Licauco, Mark Herras, Ervic Vijandre, at Luis Hontiveros habang sa kalabang team naman na Team Saints sina Rocco Nacino, Paul Salas, Gil Cuerva, Pancho Magno, Jose Sarasola, at Kirst Viray.

Nagtapos ang game kahapon kung saan tabla ang dalawang team sa score na 109.

Samantala, mas kilalanin ang Kapuso stars na celebrity na, basketball player pa sa gallery na ito: