
Tatlong buwan matapos ianunsyo ang kanilang engagement, ikinasal na ang long-time partners na sina Aubrey Miles at Troy Montero, na 18 taong nang magkarelasyon.
Nangyari ang kanilang pag-iisang dibdib noong Huwebes, June 9, sa isang civil wedding na presided ni Mandaluyong Mayor Carmelita Abalos.
Sinundan naman ito ng intimate reception na dinaluhan ng pamilya ng couple tulad ng kapatid ni Troy na si KC Montero.
Spotted din ang kanilang kaibigan at newscaster na si Gretchen Fullido sa pagtitipon.
May dalawang anak sina Aubrey at Troy na nagngangalang Hunter Cody at Rocket, na sampung taon ang agwat ng edad.
Isinilang ni Aubrey si Hunter Cody noong October 2008, samantalang ipinanganak naman ng sexy actress si Rocket noong December 2018.
Noong April 2022, ibinunyag ni Aubrey na may autism spectrum disorder ang bunsong anak na si Rocket.
Ang panganay ni Aubrey na si John Maurie, 21, ay anak niya sa dating boyfriend na si JP Obligacion.
Narito ang ilang larawan ng kanilang pamilya: