Showbiz News

Tom Rodriguez, iginiit na kailanma'y hindi niya pinagbuhatan ng kamay si Carla Abellana

By Aaron Brennt Eusebio

Mariing itinanggi ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez na sinasaktan niya ang ex-wife niyang si Carla Abellana.

Sa pahayag na ipinadala ni Tom sa pamamagitan ng kanyang manager sa 24 Oras kagabi, June 17, iginiit nito na kahit kailan ay hindi niya pinagbuhatan ng kamay si Carla.

"So many lies have been said of me which are completely untrue and utterly unfair. I may have fallen short as a partner, especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility," parte ng pahayag ng aktor.

"But it must be stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla."

Nagsimula ang issue ng pananakit diumano ni Tom kay Carla nang mag-reply ang aktres sa isang comment sa kanyang YouTube channel.

Sa kasalukuyan, deleted na ang nasabing comment at disabled na rin ang comment section ng vlog ni Carla tungkol sa kanyang latest endorsement.

Parte ng reply ni Carla, "Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya. Paulit-ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko."

Divorce

Sa nasabing pahayag, umamin na rin si Tom na isa na siyang diborsyado at hinihiling niya ang kaligayahan ng dating asawa.

"Now that the divorce decree is final, I truly wish Carla's birthday wish be granted and that she finds the happiness she is searching for."

Narito ang buong pahayag ni Tom:

Balikan ang wedding photos nina Tom at Carla sa photo gallery na ito: