GMA Logo rabiya mateo
Source: rabiyamateo (IG)
What's Hot

Is Rabiya Mateo friends with her ex?

By Jansen Ramos
Published July 24, 2022 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

September Christmas in PH? Partly due to mall culture, Jose Mari Chan, says experts
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

rabiya mateo


Sinagot din ni 'TikToClock' host Rabiya Mateo kung mabilis ba siyang maka-move on sa podcast na 'Updated with Nelson Canlas.' Pakinggan dito:

"Mabilis ako mag-move on pero grabe ako masaktan."

'Yan ang pahayag ni Rabiya Mateo nang tanungin kung mabilis ba siyang mag-move on ni GMA News entertainment correspondent Nelson Canlas sa latest podcast nitong Updated with Nelson Canlas.

Paliwanag ng beauty queen-turned-host, "Parang I talk to myself, e, minsan nga I would have my pros and cons.

"'Pag alam ko na 'yung isang bagay, 'di na s'ya worthy of holding on, minsan wala ka na talagang kontrol, e, 'di mo na talaga mababago 'yung fact na 'yon. You just have to let go, move forward and move on and magaling ako sa ganyan kasi marami na 'kong naranasan sa buhay."

Ayon kay Rabiya, hindi niya hinahayaan ma-distract ang kanyang sarili lalo pa at gumaganda ang career niya sa showbiz at may bagong business pa.

"I will not [get distracted] kasi kaya ko, e, I have a lot to offer more than my romantic love for someone. I am a woman who can do alot of things, more than loving one person."

Sa ngayon ay naiisyung on the rocks sila ng boyfriend niyang si Jeric Gonzales.

Noong mga nakaraang buwan, kinonekta ng netizens ang cryptic post ni Rabiya tungkol sa apology sa relasyon nila ng aktor.

Hindi rin nakatakas sa mga mapagmatyag na mga mata ng netizens ang pag-unfollow sa umano nila sa isa't isa sa Instagram.

Sa podcast, hindi sinabi ni Nelson o ni Rabiya kung sino o ano ang tinutukoy nila na may kinalaman sa love life ng TikToClock host.

Pahayag ni Rabiya, "My heart now is happy. Totoo 'to, Nelson, my life is not perfect but overall, I am being supported by real people and kahit ano man 'yung nangyari sa buhay ko, parang na-realize ko overall I'm blessed at hindi dapat ako mag-focus sa mga maliliit [na bagay.]"

Sabi pa niya, mas nagfo-focus siya sa kanyang blessings kaysa sa kanyang heartaches.

Patuloy niya, "Kaya I cannot be distracted talaga. If i'm gonna be distracted, 'di ako magiging grateful sa kung ano man meron ako ngayon, baka mawala s'ya--new projects, the business. Hindi ako pwede maging distracted. I need to move on, I need to move over, I need to move forward."

BEING FRIENDS WITH EX-LOVER

May kasabihang nagkakaroon daw ng curse sa love life kapag nananalo sa beauty pageant pero pinagkibit-balikat ito ng Miss Universe Philippines 2020.

Aniya, "Nako, ilang beses na 'yang sinabi sa 'kin pero ang nangyayari kasi minsan dahil nabi-busy ka na nga, iba na 'yung priority list mo kasi nag-iiba talaga 'yung buhay mo pero 'di naman s'ya nangyayari sa lahat e. Paswertihan lang din talaga sa moment, pasuwertihan din sa partner.

Sa puntong ito, dito na in-open ni Rabiya ang sitwasyon nila ng ex niyang si Neil Salvacion na pitong taon niyang nakarelasyon.

"Pero 'yung ex ko during that time, si Niel, he was so supportive. It was just mali lang din talaga 'yung time, syempre, ang dami namang nangyari na hindi naman alam ng tao."

Ayon kay Rabiya, magkaibigan pa rin sila ni Neil matapos ang kanilang hiwalayan.

"I'm friends with my ex, 'yun naman 'yung proud ako do'n na in times na kailangan ko ng tao, ando'n pa rin sila bilang kaibigan para protektahan ako, para ipagtanggol ako kasi overall may pinagsamahan kayo.

"'Yung ex ko, seven years kami and never naman s'yang may sinabing masama about me despite of everything kahit na nagbreak kami. Overall, he's still my best friend."

Curious si Nelson sa status nina Rabiya at Neil kaya tanong niya, "Mahirap ba na maging friends ka with your ex?"

Sagot ni Rabiya, "Magiging issue na lang s'ya kapag you have a new partner or s'ya may partner kasi kilanga alam n'yo din 'yung limitation n'yo e. Overall, exes can be friends, naniniwalaa ko do'n."

Pakinggan ang kabuuan ng podcast dito:

Kinumpirma ni Rabiya na boyfriend na niya ang kapwa Kapuso star na si Jeric noong Marso.

NARITO ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAGKAROON NG LOVE LIFE NGAYONG 2022: