
Matapos bumuhos ang tanong ng netizens tungkol sa wedding pictures ni Zia Quizon at ng partner nito, ipinakilala na ng singer-songwriter ang kaniyang asawa sa pamamagitan ng post sa Instagram.
Ilang linggo lang ang nakalipas matapos ang kasal ni Zia at ng partner nito, ay sunud-sunod naman ang mga tanong mula sa netizens ang natanggap ng singer kung bakit hindi ito nag-upload ng mga larawan mula sa naganap na wedding.
Kasunod ng pag-upload ni Zia ng picture ng mga kamay nilang mag-asawa na magkahawak, ipinakita na rin niya ang mukha ng kaniyang partner.
Kakabit ng larawan ay ang kaniyang caption, “Proof of husband… (now if you will please excuse us-- that's enough internet for a while). Thank you to everyone who has been so supportive of our-- and all-- love. See you around, -Mr. and Mrs. Rahul (apparently).”
Kasunod nito, isang magandang komento mula sa netizen na si persistently_s ang nireplyan ng singer.
Matatandaang nito lamang July 10, naging sentimental ang singer sa 10th death anniversary ng kaniyang ama na si Dolphy.
SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG PINOY COMEDIANS NA PUMANAW NA SA GALLERY SA IBABA: