GMA Logo Michelle Madrigal new boyfriend
Source: mitch_madrigal (Instagram)
What's Hot

Michelle Madrigal introduces new boyfriend

By Jimboy Napoles
Published August 22, 2022 7:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Michelle Madrigal new boyfriend


"The who" kaya itong bagong nagpapatibok sa puso ni Michelle Madrigal?

Ilang buwan matapos maaprubahan ang diborsiyo nila ng kaniyang dating mister na si Troy Woolfolk, masayang ipinakilala ngayon ng celebrity mom na si Michelle Madrigal ang kaniyang bagong partner.

Sa Instagram, ibinahagi ni Michelle ang larawan nila ng kaniyang bagong boyfriend habang sila ay nasa beach sa Canyon Lake sa Texas.

"Him" simpleng caption ng aktres sa kaniyang post.

A post shared by Michelle Madrigal 🇵🇭 (@mitch_madrigal)

Hindi naman nabigay ng iba pang detalye si Michelle tungkol sa bago niyang love life pero sa kaniyang recent vlog ay nagpahapyaw siya tungkol dito.

Aniya,"I don't want to put any label dahil hindi naman importante 'yun. We have an understanding. I think we're pretty much on the same page."

Gaya ni Michelle, ang kaniyang kasalukuyang partner ay hiwalay na rin sa dating asawa .

Sa ngayon ay nakatuon ding ang atensyon ni Michelle sa anak nila ni Troy na si Anika.

SILIPIN ANG ILANG SEXY PHOTOS NG HOT CELEBRITY MOM NA SI MICHELLE MADRIGAL SA GALLERY NA ITO: