
Marami ang kinilig nang magkitang magkasama ang mga Kapuso stars na sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Mavy Legaspi, at Kyline Alcantara nang magkaroon sila ng double date sa Tagaytay kamakailan.
Kuwento nina Mavy at Kyline sa GMANetwork.com, nagsimula ang plano nilang magkaroon ng double date dahil kina Mavy at Ruru na sa iisang lugar lang nagdyi-gym.
Ani Mavy, "Actually, nagsimula 'yun dahil kami ni Ru parehas ng coach, tapos naging coach din ni B, tapos sumama na rin si Kai. Kami talaga ni Ru nagplano [nung] double dates."
Dagdag ni Kyline, "Lagi [rin] kami nagpaplano [ni Bianca] kasi na-realize namin after so many years, marami pala talaga kaming similarities ni B. Ang dami naming ginagawa ngayon, and lagi nga kaming nagdo-double date."
Pagbibiro ni Kyline, masaya siya sa mga double dates nila nina Ruru at Bianca kung roadtrip o kainan lamang ito.
"Siguro sa ibang double dates namin, hindi ako napipilitan, pero pagdating sa gym talaga, kailangan nila akong i-force kasi I don't go to gym all the time," pag-amin ni Kyline.
Lingid sa kaalaman ng mga tao, marami na ring spontaneous double dates sina Ruru, Bianca, Mavy, at Kyline.
"'Yung mga spontaneous roadtrips, 'yan 'yung laging ginagawa namin with Ru and B. As in super spontaneous lang," kuwento ni Mavy.
Dagdag ni Kyline, "Dapat may isa kaming pupuntahan na lugar tapos naisip namin, 'Hmm, mag-Tagaytay nga tayo,' so nag-Tagaytay naman kami lahat."
"Tapos one car kaya mas masaya siya. Masaya, sobrang saya."
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILAN SA MGA NAKAKAKILIG NA LARAWAN NINA MAVY AT KYLINE SA GALLERY NA ITO: