GMA Logo Carla Abellana
Source: carlaangeline (IG)
What's Hot

Carla Abellana, umamin kay Bea Alonzo na may kasama siya sa Feb 14

By Aedrianne Acar
Published February 5, 2023 4:53 PM PHT
Updated February 5, 2023 11:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


May nanliligaw na ba kay Carla Abellana? Alamin dito:

Literal na magiging malamig ang Valentine's Day celebration ng primetime actress na si Carla Abellana dahil plano niya bumiyahe sa summer capital ng bansa, ang Baguio City.

Ito ang kinumpirma nang tanungin ni Bea Alonzo ang plano niya sa February 14. Sumalang si Carla sa lie detector test, na mapapanood sa pinakahuling vlog ni Bea sa kanyang YouTube channel.

Sagot ng Voltes V: Legacy, “[Kasama ko] barkada. May trip kami ng aking barkada, so mag-Baguio kami, my gosh! Since elementary barkada. So, 'yung aking talagang pinaka-barkada, so sila 'yung makakasama ko for Valentine's [Day] 'yun ang plans.”

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Na-curious din si Bea sa kung ready to mingle na si Carla matapos ang divore nila ni Tom Rodriguez. Kaya isa sa tanong niya sa polygraph test: "Ngayong single ka na, meron bang nagpaparamdam o naliligaw sa 'yo?"

Tugon ni Carla, “Okay sa nagpaparamdam muna. Oo”. Truth naman ang resulta na lumabas sa lie detector test.

Sumunod na paliwanag niya, “Sa nanliligaw, wala!”

Sabat naman ni Bea, “Pero may nagsa-slide to your DMs?”

Sagot ni Carla, “Actually, hindi, random people, 'yun ang ibig ko sabihin, na talagang all walks of life."

Alamin kung “truth” o “lie” ang resulta ng polygraph test ni Carla Abellana nang tanungin kung may chance na magkabalikan sila ni Tom dito:

CELEBRITY COUPLES NA NAUWI SA ANNULMENT O DIVORCE ANG KASAL: