What's Hot

Marco Gumabao, ipinaliwanag ang viral photos nila ni Cristine Reyes

By Nherz Almo
Published March 8, 2023 6:19 PM PHT
Updated March 9, 2023 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

marco gumabao


Marco Gumabao tungkol sa relasyon niya kay Cristine Reyes, “Recently, we've been very, very close.”

Naging viral kamakailan ang ilang larawan nina Marco Gumabao at Cristine Reyes na kuha sa Siargao.

Kaya naman ilang netizens ang nagtanong: “Sina Marco at Cristine na ba?”

Source: @gumabaomarco on IG / Lyneved Jihad

Nagkaroon ng pagkakataon ang entertainment media na tanungin si Marco tungkol dito pagkatapos ng press conference ng upcoming movie niyang Baby Boy, Baby Girl noong Martes, March 7.

Pabirong sagot ni Marco, “Tanungin n'yo po siya.”

Pagkatapos ay ipinaliwanag niya, “Kami ni Cristine, we've worked together since 2015, actually. First teleserye ko, kasama ko siya doon. I can say that we have formed a good relationship, a strong friendship throughout the years.

“Recently, we've been very, very close. We've been working out together and hanging out a lot. Yun lang naman ang gusto ko. Cristine is a very wonderful person. Sobrang click kami sa mga trip namin sa buhay, yung likes namin complement each other.”

Dagdag pa niya, “Basta kapag ano, malalaman n'yo rin naman kapag ano…”

Nang tanungin kung posibleng mauwi sa mas seryosong relasyon ang namamagitan sa kanila, sagot ni Marco, “Well, nasa sa kanya 'yon.”

Sa presscon proper, tinanong ng GMANetwork.com si Marco at co-star niyang si Kylie Verzosa, “Are you somebody's baby right now?”

Agad na sagot ni Marco, “Next question, please… Yes, I'm the baby boy of my mother, always and forever. Safe na safe, 'no?”

Nang may sumundot ng tanong na, “So, meron?”

Maligoy na sagot ni Marco, “Di ko sinasabing wala, di ko rin sinasabing meron.”

Samantala, isang entertainment writer ang nagsabi na katulad ng kanyang pagsagot, tila tahimik din si Marco sa social media pagdating sa kanyang personal relationships.

Paliwanag ni Marco, “Yung pagpo-post regarding my love life… Ako po, I'm an actor, e. Hindi naman po ako nasa love team para i-share lahat ng mga nangyayari sa personal life ko. Ako, as much as possible, I like keeping it on the down low, I like keeping it private. Kung lumabas, e, di lumabas. Kung hindi siya lumabas, hindi naman ako yung magsasalita.”

Ayon pa sa binatang aktor, hindi naman siya katulad ng iba na laging nagpo-post sa social media.

Katuwiran niya, “Kasi like sa social media, ayaw ko po na like yung couples na super happy sa social media. Then, after a few months or few years, sila yung mababalitaan mong may ibang taong involved. Ako kasi, parang you don't have to show the people like, what's happening behind doors.

“Kumbaga, if you're happy, you can be happy without posting it. You can be happy without bragging about it on social media. I think, yun po ang naging problem natin with social media nowadays, na kung walang ipino-post, ibig sabihin they're not dating anyone; na wala silang minamahal o hindi sila minamahal.”

Sa huli, diniin ni Marco, “Ang sa akin lang, as long as you know for yourself na you love a person and genuine ang pagmamahal ninyo sa isa't isa, and you don't need to prove it to other people on social media--I think, it's worth it. As long as both of you understand each other na hindi based on social media or hindi doon tumatakbo ang relationship. It's also peaceful at the same time. Masaya rin po kapag minsan tahimik din.”

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG CELEBRITY COUPLES NA UNANG ITINAGO ANG KANILANG RELASYON SA PUBLIKO: