GMA Logo sanya lopez
What's Hot

Sanya Lopez, bantay-sarado ng mga kaibigan kaya single pa rin

By Nherz Almo
Published March 10, 2023 11:08 AM PHT
Updated March 10, 2023 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News

sanya lopez


Sanya Lopez: "Ang dami po kasing nakabantay sa akin, e,”

Isa si Sanya Lopez sa mga artistang hinahangaan ng mga kapwa niya aktor dahil sa kanyang kabaitan at maayos na pakikitungo sa mga katrabaho.

Patunay marahil dito ang nakatatawang kuwento ni Sanya nang mapag-usapan ang paksang ito sa #BeautedermXSparkle event noong Martes, March 7.

Paglalahad ng Mga Lihim ni Urduja actress, “Noong nag-uumpisa pa lang po kasi ako, Encantadia po ito… Naturuan na po kasi ako ng mga manager ko na every time na may nakikita tayo, dapat matuto tayo na mag-hi man lang, ngumiti o bumeso kung kinakailangan.

“So, noong Encantadia, super beso ako sa lahat. 'Tapos, maya-maya si Kuya Carlo Gonzales at saka si Mikee Quintos, tawang-tawa sa akin. Sabi ko, 'Bakit?' Sabi niya, 'Masayang-masaya kasi yung driver ko, bineso mo raw siya.' Umabot na po ako sa ganun, may mga nabeso na ako na hindi ko kakilala kasi nga, parang lahat ng tao doon magha-hi ka, maghe-hello. E, bumeso naman po yung driver.”

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Dahil sobrang ma-beso pala si Sanya, natanong ang dalagang aktres kung may special someone na ba siyang bineso.

“Ang dami po kasing nakabantay sa akin, e,” agad na sagot ng nakababatang kapatid ni Jak Roberto.

Pabirong hirit pa niya, “Pero yung bebeso po, siguro siya na yung lumapit kung bebeso siya.”

Katulad ng mga nauna niyang pahayag, tila wala pa ring panahon si Sanya para sa love life. Sa katunayan, mas nae-enjoy niya ngayon ang oras kasama ang mga kaibigan.

Aniya, “Noong nagkaroon ako ng First Yaya, masyado akong nalibang sa First Yaya, nagkaroon ako ng mas marami pang kaibigan. Actually, yung mga kaibigan ko, hindi ko alam kung nakatulong ba sa akin o lalo pa ako nilayo sa pagjo-jowa, e. Pero nag-enjoy pa rin talaga ako sa ngayon.”

Dagdag pa niya sa hiwalay na panayam pagkatapos ng event, “Actually, 'yung mga kaibigan ko ang nagko-contract sa akin, sabi nila, 'Hindi muna, kailangan mag-travel muna tayo kung saan-saan.' Imbes na i-push nila ako. Hindi nila ako sinusuportahan. Sabi nila, 'Hindi, bawal kang magka-jowa. Kailangan mag-enjoy mo muna ang sarili mo, kailangan tayong magkakaibigan muna.

“Mayroon din akong mga kaibigan na nagpapakilala sila na parang, 'Kung gusto mo bang kilalanin.' Kaya lang nagkakataon talaga na minsan papayag ako, pero ako na rin nagsasabi na sandali lang kasi ang dami kong ganap.”

Kung sakali raw na may manliligaw na siya, nais daw ni Sanya na maging pribado ang tungkol dito.

Aniya, “Personally, yun din ang gusto ko, tahimik lang, ayaw kong masyadong ano, e. Pero kung magkataon man, kung saan ang vibes namin pareho.”

Sa huli muling idiniin ni Sanya na walang nanliligaw sa kanya ngayon, “Mukha lang, wala po talaga.”

SAMANTALA, TINGNAN DITO MGA ASTIG NA EKSENA NINA SANYA, GABBI, AT KYLIE SA MGA LIHIM NI URDUJA: