
Matapos masangkot si former Pinoy Big Brother winner Slater Young sa Cebu floods dahil sa kanyang hillside project, pinag-uusapan ngayon ng netizens ang pangangalaga sa Sierra Madre laban sa ganitong uri ng proyekto.
Maraming celebrities at personalities ang nagsalita tungkol sa proyekto ni Slater, ang The Rise at Monterrazas, na diumano'y malaki ang naging epekto sa pagbaha sa Cebu noong kasagsagan ng Typhoon Tino.
Isa sa mga nagsalita ngayon ang content creator na si Rendon Labrador, na may mensahe tungkol sa posibleng future project ni Slater sa Sierra Madre.
Sa Facebook, hinanap ng fitness coach si Slater para tanungin tungkol sa bundok.
“Tanungin natin si Slater Young kung ano maganda gawin sa Sierra Madre,” isinulat niya.
Nagbiro rin siya sa comments section tungkol sa pinaplano nilang proyekto.
“Nasaan na kaya si Slater Young? PM mo 'ko may project tayo yung Sierra Madre… saan ka ba? hindi ka nasagot sa PM,” aniya.
Matapos pahinain ng Sierra Madre ang epekto ng Typhoon Uwan, kumalat sa social media ang iba't ibang edits ng bundok at lalo pang isinulong ang pangangalaga rito bilang natitirang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas.
Hanggang ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Slater tungkol sa isyu ng kanyang hillside project at sa Cebu floods.
Samantala, tingnan dito ang iba pang celebrities na nagsalita tungkol sa Cebu floods: