
Makatatanggap ng scholarship ang anim na kapatid ng yumaong basketball player na si Rene Baterbonia.
Ito ay initiative ng Ateneo de Davao University bilang pagbibigay-pugay kay Rene sa naging mahalagang ambag nito sa sports community at sa paaralan.
Sa Ateneo de Davao University nagtapos ng high school ang basketball player.
Si Rene ay laman ng balita ngayon kasunod ng drowning incident kung saan binawian ng buhay ang incoming rookie ng Ateneo de Manila University at ang kanyang co-player na si Divine Adili.
Nagdadalamhati ang sports community sa Pilipinas sa pagpanaw ng basketball players na talaga namang hinangaan ng marami.
Si Rene ay isang homegrown athlete mula sa Agusan del Sur.
Nakilala siya sa Palarong Pambansa, kung saan ini-represent niya ang Davao Region bilang player ng Ateneo de Davao University.
Tinatawag siya ng maraming Pinoy bilang Mr. MVP.
Related gallery: Stars, basketball players shock over death of Ateneo recruits Rene Baterbonia and Divine Adili