Article Inside Page
Showbiz News
Alam n'yo ba na parehong fan ng isang American sitcom sina Lovi at Renz?
By MARAH RUIZ, Interview by MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Ang young Kapuso actor na si Renz Valerio ang gumaganap na Jason, ang kapatid ni Joyce (Lovi Poe) sa GMA Telebabad series na
Beautiful Strangers.
Dahil isa siya sa mga pinakabata sa cast, kamusta naman kaya ang pakikitungo niya sa cast na punong-puno ng mga batikan at beteranong mga aktor at aktres?
"Noong una po, noong nalaman kong kapatid ko po si Ate Lovi, siyempre nandun 'yung kaba. Pero noong nakasama ko na siya sa trabaho, sobrang gaan po niyang katrabaho," kuwento ni Renz sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com.
Pero ayon sa aktor, dahil marami raw silang common interests ni Lovi, mabilis ding nawala ang pagiging mahiyain niya sa kanyang co-star.
"Ang dami naming in common kasi parehas kaming Friends fan. Ang dami naming napag-uusapan. Very low profile talaga si Ate Lovi kahit kailan. Parang napakabait niyang kausap, very approachable," dagdag nito.
Dahil na rin dito, naging madali para kay Renz na bumuo ng maayos na working relationship sa aktres.
"'Yung work relationship parang hindi na mina-mind. Pagdating doon, 'Ate hello!' Parang ganun. Parang wala na pong iniisip na dapat ganito ako ngayon. Natural lang, very natural lang 'yung gagawin mo," paliwanag ni Renz.
Tunghayan ang nalalapit na pagtatapos ng kuwento ng Beautiful Strangers, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Marimar sa GMA Telebabad.