GMA Logo Tanghalan ng Kampeon Judges, Bjorn Morga
What's on TV

Renz Verano, Daryl Ong, Jessica Villarubin, ipinaliwanag kung bakit si Bjorn Morta ang naging 'Tanghalan ng Kampeon' grand champion

By Kristian Eric Javier
Published December 6, 2025 9:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Tanghalan ng Kampeon Judges, Bjorn Morga


Ibinahagi ng 'Tanghalan ng Kampeon' judges ang dahilan nila sa pagpili kay Bjorn Morga bilang grand champion.

Bago pa man nagsimula ang finale ng singing competition sa TiktoClock na “Tanghalan ng Kampeon” ay ibinahagi na ng mga hurado nitong sina Renz Verano, Daryl Ong, at Jessica Villarubin ang hinahanap nila na katangian ng isang grand champion.

“Unang una sa lahat, matibay 'yung loob niya. Pangalawa, may tiwala siya sa sarili at talento niya. Ang last, ay dapat may willingness siya to learn new things at handa siya sa mga pagsubok na tatahakin niya,” pahayag ni Jessica sa November 30 episode ng All-Out Sundays.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, December 5, inamin ng tatlong hurado na nahanap nila ito sa kanilang grand champion na si Bjorn Morta. Kuwento ni Renz, nagkaroon sila ng diskusyon sa pros at cons kung bakit dapat maging grand champion ang kanilang mga contestant. Sa huli kinailangangan nilang mga hurado na pakinggang muli ang mga contestant.

Pagbabahagi ni Daryl, malaking factor para sa kaniya na nakuha ni Bjorn ang kiliti ni Renz, sa kabila ng maraming kapwa niya R&B singers na sumali sa patimpalak.

“Kasi alam naming lahat na super taas nu'ng standards ni Kuya Renz. Of course, being a multi-platinum recording artist during that time na music wasn't really that easily accessible, wala namang streaming platforms,” paliwanag ni Daryl.

Pagpapatuloy pa Daryl, “I can say na sa mga nag-R&B, si Bjorn 'yung nu'ng nakita ko 'yung reaction ni Kuya Renz, sa loob-lobb ko, 'Sa wakas, may nakapasa rin kay Kuya Renz.' Kasi marami talaga nag-audition na sumali, nag-R&B, si Bjorn kasi may X-factor, e. 'Yung boses niya, meron agad something.”
Inahalintulad naman ni Jessica sa isang concert ang performance ni Bjorn sa finals ng naturang singing contest, at binalikan ang pagiging relaxed at natural na singer ng kanilang kampeon.

“I can say na versatile itong batang ito. May magic talaga siya,” sabi ng isa sa mga Queendom Divas.

Iyon din ang na-obserbahan umano ni Renz, ang pagiging natural na singer ni Bjorn. Wika niya, “Kasi meron siyang laro ng notes, mag-i-scale 'yung, mga riffs and runs, magkukulot, sabi ko, 'Pa'no niya nagawa 'yun?' So sabi ko, 'Iba ito.' Natural sa kaniya. 'Yung iba kasi, alam mong inaral. It comes out [natural] from him.”

Samantala, masaya at handa na umano si Bjorn sa pag-usbong ng kaniyang karera. Sa katunayan, may mga nakahanda na rin siyang single na ire-release soon, na dapat umanong abangan ng mga tao.

“I'm excited, but I'm gonna be making songs already. I have three singles already, and I'll be recording them and releasing them soon,” ani Bjorn.

BALIKAN ANG ILANG PINOY SINGERS NA NANGGALING SA SINGING COMPETITIONS SA GALLERY NA ITO: