
Nalalapit na ang exciting na Huling Bangaan para sa "Tanghalan ng Kampeon 2025" ng TiktoClock.
Sa December 4, mapapanood sa TiktoClock ang tapatan ng pinakamahuhusay na grand finalists na sina Baron Angeles, Julius Cawaling, Kimberly Baluzo, Bjorn Morta, Shane Luzentales, at Nicole Shigematsu.
Sa "Tanghalan ng Kampeon 2025", may katangiang hinahanap ang mga inampalan na sina Renz Verano, Jessica Villarubin at Daryl Ong. Inilahad nila ito sa All-Out Sundays noong Linggo, November 30.
Ayon kay Jessica, tatlong katangian ang hinahanap niya sa hihiranging "Tanghalan ng Kampeon 2025" grand champion.
"Unang una sa lahat, matibay 'yung loob niya. Pangalawa, may tiwala siya sa sarili at talento niya. Ang last, ay dapat may willingness siya to learn new things at handa siya sa mga pagsubok na tatahakin niya."
Sumang-ayon naman si Daryl sa mga sinabi ni Jessica, "Agree ako, matibay 'yung loob kasi kung sa galing lang feeling ko magkaka-level 'yung galing nila. Pero kailangan para manalo ka, you will be able to handle the immense pressure na makapag-deliver ng magandang performance."
Para naman sa OPM hitmaker na si Renz, isang hiling ang nais niya sa grand finalists.
"Isa lang ang hinihiling ko na maging katangian ng ating mga grand finalists, ang maging consistent. Consistent sa kanilang performance kahit na ano'ng kantahin, kahit nasaang lugar."
Abangan ang "Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan" ngayong December 4, 11:00 a.m. sa TiktoClock.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA GRAND FINALISTS NG 'TANGHALAN NG KAMPEON 2025'