
Mga Batang Bubble, tiyak na mapupuno ng saya at tawanan ang Sunday night n'yo dahil sa mga nakatutuwang eksenang mapapanood sa Bubble Gang mamayang gabi.
Mapapanood ang Kapuso star na si Rere Madrid sa isang nakatutuwang sketch na hindi n'yo dapat palampasin!
Bukod dito, kaabang-abang din sa upcoming episode ng longest-running gag show sa bansa ang sexy actress na si Angelica Hart.
Walang iwanan mga Ka-Bubble at nood na ngayong gabi ng Bubble Gang sa oras na 6:10 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
SAMANTALA, TINGNAN ANG PRIME STARS NA NAGING TAMPOK SA 30TH ANNIVERSARY SPECIAL NG BUBBLE GANG SA VIDEO NA ITO: