
Ipinaalam ng Miss Universe Philippines organization na ang coronation night ng pageant ay na- move upang mabigyan ang organisasyon ng “sufficient time for venue preparation” at para rin masiguro ang “proper staging and production of the coronation night.” Sa May 2 na gaganapin ang coronation night sa halip na sa naunang na-announce na May 1.
Ang venue ng coronation night ay mananatili sa SM Mall of Asia Arena. Magbubukas ang gates sa 6 p.m.
Related gallery: Check out the 2026 Miss Universe PH delegate headshots
Ang pagbago ng coronation night ay isa lamang sa mga changes na nangyari sa Miss Universe Philippines pageant ngayong taon, kung saan may mga delegadong natanggal o kaya ay na-reassign. Nitong mga nakaraang araw lamang, ipinaliwanag ng Miss Universe Philippines (MUPH) Batangas organization kung bakit Bohol na ang nirerepresenta ni Kath Caseñas at hindi Batangas sa preliminary gown competition video na inilabas noong Easter Sunday.
Ayon sa statement na isinulat ni MUPH Batangas National Director Myke Lorence Llamado, nagkaroon ng “multiple concerns” tungkol kay Kath na maaaring humantong sa kanyang dethronement bago pa man magsimula ang Miss Universe Philippines competition. Pero binigyan pa siya ng “one final opportunity” para i-represent ang probinsya with “clear agreements and expectations”.
Kalaunan ay dinisqualify ni Llamado si Kath bilang Miss Universe Philippines Batangas “based on accumulated violations and unresolved concerns.” Ayon sa kanya, lahat ng nangyari ay “properly documented” at pwedeng pag-usapan sa “appropriate channels”.
Basahin ang buong statement dito.
Samantala, noong nakaraang buwan ay naglabas ang MUPH organization ng statement sa mga social media accounts nito na nagtanggal sila ng isang delegada mula sa pageant. Ayon sa post, napagdesisyonan ng organisasyon na tanggalin ang kandidata pagkatapos ng pagpapatuloy ng “certain behaviors” at nabigyan na ang kandidata ng verbal and written guidance para matulungan ma-address ang sitwasyon.
Ayon sa organisasyon, pinananatili nila ang isang “environment that is uplifting, respectful, and empowering to women.” Nanindigan din ang organisasyon na mananatiling “constructive and meaningful for everyone involved” ang pageant.
Sa kalaunan ay lumabas na si Imelda Schweighart ang natanggal mula sa kompetisyon.
Kasalukuyang nangyayari ang Miss Universe Philippines pageant, kung saan ang 50 delegada ay nakikilahok sa iba't ibang aktibidad. Ang mga delegada ay nakilahok sa Miss Universe Philippines swimsuit show nitong nakaraang buwan sa Aqua Boracay Bulabog Beach.
Pinakita rin ng mga kandidata ang kanilang mga evening gown, na gawa ng mga designers tulad nila Louis Pangilinan, Mark Bumgarner, at Ehrran Montoya.
Related gallery: The 2026 Miss Universe PH queens are elegant in their evening gowns
Ang Kapuso Network star na si Roxie Smith ay kasali sa Miss Universe Philippines pageant ngayong taon at kinoronahan bilang Miss Universe Philippines Baguio sa The Proscenium sa Rockwell, Makati.
Tags: