
Kakila-kilabot ang Halloween special ng Your Honor nitong November 1 lalo na at ang mga resource persons na sina Theopilus at Gabriela Barrios ay tila may kakaibang naramdaman habang nasa shoot ng vodcast.
Natigilan sina Chariz Solomon at Buboy Villar sa gitna ng session nila kasama ang mga paranormal investigators nang biglang ikuwento ni Gabriela na may nakita siyang naglalakad sa Your Honor studio.
“May naglakad dito kanina. Nakikinig sa atin, 'yung friend na nabanggit n'yo kanina. May friend na lumapit sa atin [motions with her head]. Diyan siya kanina.”
“'Yung presence, I don't know kung meron bukod sa akin na nakakaramdam kanina. Meron kanina.”
Napatanong si Vice Chair Buboy sa kanilang resource person: “'Pag ganiyan meron po ba akong puwedeng gawin or sabihan sa kaniya na, 'Uy, huwag mo 'ko sundan.'”
Sagot naman ni Gabriela, “Okay lang na, we leave as it is. Kasi, kumbaga parang na-curious lang talaga siya. Parang, taong bayan, 'Ay, gusto ko pakinggan.'”
Balikan ang spooky experience ng House of Honorables kasama sina Theopilus at Gabriela Barrios sa video below.
RELATED ARTICLE: Stylish Halloween looks ng ilang Kapuso stars, silipin!